21-Araw na Panalangin para sa mga Kaibigan Halimbawa
Gabay sa panalangin
Mateo 5:16
Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.
Panalangin:
Ama, dalangin ko na ang aking mga kilos at mga salita ay magbubunga ng Iyong kaluwalhatian. Nawa ang lahat ng aking gagawin at sasabihin ay manggagaling sa puso na nakasalig at nagagalak sa ebanghelyo. At kung ako ay nakikipag-ugnayan kay _______________________, nawa ay maunawaan niya ang pag-asa ng pagliligtas at ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa aking buhay. Dalangin ko na ako ay makapamuhay na katulad ni Cristo, di-makasarili, at puno ng tunay na pag-ibig, na ang aking buong buhay ay maging patotoo kay _______________________. Banal na Espiritu, dalangin ko na gamitin Mo ako bilang kinatawan ng pakikipagkasundo sa pagitan ng Diyos at ni _______________________ para sa Iyong kaluwalhatian.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kadalasan tayo ay nahihirapan na ibahagi ang ebanghelyo sa ating mga kaibigan. Tayo ay natatalo ng takot o kaya ay hindi natin alam ang ating ibabahagi. Kailangan nating lahat ng pasanin na abutin ang ating mga naliligaw na kaibigan para kay Cristo. Ito ay 21-araw na babasahing gabay sa Biblia na tutulong sa atin na pagnilayan ang partikular na mga talata na may kinalaman sa pagbabahagi ng ebanghelyo at may kalakip na maikling panalangin bawat araw para sa ating mga kaibigan.
More