Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

21-Araw na Panalangin para sa mga Kaibigan Halimbawa

21-Days of Praying for Friends

ARAW 12 NG 21

Gabay sa panalangin

Mga Taga-Roma 10:1-3

Mga kapatid, ang pinakananais ko at idinadalangin sa Diyos ay ang maligtas ang Israel. Sapagkat saksi akong sila'y nagsisikap na maging kalugud-lugod sa Diyos. Mali nga lamang ang kanilang naging batayan. Dahil hindi nila kinilala ang katuwirang mula sa Diyos, at nagsisikap silang gumamit ng sarili nilang pamamaraan; hindi sila sumunod sa pamamaraang itinakda ng Diyos. 

Panalangin:

Ama, ang hangarin ng aking puso at dalangin ay para si __________________ ay maligtas. Siya ay masigasig hindi ayon sa pagkaunawa ng salita ng Diyos kundi sa sariling talino, karanasan, mga nagawa at tagumpay. Hindi nauunawaan ni _______________________ ang ganap na katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo sa halip ay ginagawa niya ang kanyang buong makakaya na itatag ang kanyang sariling katuwiran. Ipagkaloob Mo kay _______________________ na makilala ka at buksan ang kanyang puso upang makita ang Iyong maibiging sakripisyo para sa aming kapakanan. 

Banal na Kasulatan

Araw 11Araw 13

Tungkol sa Gabay na ito

21-Days of Praying for Friends

Kadalasan tayo ay nahihirapan na ibahagi ang ebanghelyo sa ating mga kaibigan. Tayo ay natatalo ng takot o kaya ay hindi natin alam ang ating ibabahagi. Kailangan nating lahat ng pasanin na abutin ang ating mga naliligaw na kaibigan para kay Cristo. Ito ay 21-araw na babasahing gabay sa Biblia na tutulong sa atin na pagnilayan ang partikular na mga talata na may kinalaman sa pagbabahagi ng ebanghelyo at may kalakip na maikling panalangin bawat araw para sa ating mga kaibigan.

More

Nais naming pasalamatan ang New City Delhi sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.newcitydelhi.com