21-Araw na Panalangin para sa mga Kaibigan Halimbawa
Gabay sa panalangin
Juan 1:12-13
Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. Sila nga ay naging mga anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan o sa kagustuhan o sa kagagawan ng tao kundi ang pagiging anak nila ay dahil sa kalooban ng Diyos.
Panalangin:
Ama, ikaw ay may magandang-loob na tanggapin ang sinuman na naniniwala sa Iyo. Hindi Mo lamang sila inililigtas kundi inampon Mo bilang mga anak. At ang karapatang ito na maging anak Mo ay isang kaloob na tinanggap sa pamamagitan ng pananampalataya. Ama, dalangin ko na balang araw si _______________________ ay maniwala sa Iyo bilang Makapangyarihang Diyos at tanggapin kung ano ang ginawa Mo sa para sa kanya sa pamamagitan ng pananampalataya. Dalangin ko na buksan Mo ang puso ni _______________________ upang maranasan niya itong mayamang biyaya na kusang-loob mong ipinagkakaloob.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kadalasan tayo ay nahihirapan na ibahagi ang ebanghelyo sa ating mga kaibigan. Tayo ay natatalo ng takot o kaya ay hindi natin alam ang ating ibabahagi. Kailangan nating lahat ng pasanin na abutin ang ating mga naliligaw na kaibigan para kay Cristo. Ito ay 21-araw na babasahing gabay sa Biblia na tutulong sa atin na pagnilayan ang partikular na mga talata na may kinalaman sa pagbabahagi ng ebanghelyo at may kalakip na maikling panalangin bawat araw para sa ating mga kaibigan.
More