21-Araw na Panalangin para sa mga Kaibigan Halimbawa
Gabay sa panalangin
Juan 10:8-11
Ang mga nauna sa akin ay mga magnanakaw at mga tulisan, ngunit hindi sila pinakinggan ng mga tupa. Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko'y maliligtas. Papasok siya't lalabas, at makakatagpo ng pastulan. Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap. “Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa.
Panalangin:
Ama, nakikita ko kung paanong ang masama ay nagnanakaw at sumisira ng buhay ng aking mga kaibigan. Dalangin ko na si _______________________ ay marinig ang tinig ni Jesus, ang mabuting pastol. Dalangin ko na si _______________________ ay mawala na sa ilalim ng mapanirang impluwensiya ng mga bulaang pastol sa mundong ito kundi pumasok sa walang hanggang pastulan sa pamamagitan ng tunay na pintuan, si Jesu-Cristo. Dalangin ko na balang araw, si _______________________ ay magalak sa kaganapan ng buhay at tanggapin si Jesus na nag-alay ng buhay para sa kanya.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kadalasan tayo ay nahihirapan na ibahagi ang ebanghelyo sa ating mga kaibigan. Tayo ay natatalo ng takot o kaya ay hindi natin alam ang ating ibabahagi. Kailangan nating lahat ng pasanin na abutin ang ating mga naliligaw na kaibigan para kay Cristo. Ito ay 21-araw na babasahing gabay sa Biblia na tutulong sa atin na pagnilayan ang partikular na mga talata na may kinalaman sa pagbabahagi ng ebanghelyo at may kalakip na maikling panalangin bawat araw para sa ating mga kaibigan.
More