Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

21-Araw na Panalangin para sa mga Kaibigan Halimbawa

21-Days of Praying for Friends

ARAW 8 NG 21

Gabay sa panalangin

Mga Gawa 16:14

Kabilang dito ang isang sumasamba sa Diyos na nagngangalang Lydia na taga-Tiatira; siya'y isang negosyante na nagtitinda ng mamahaling telang kulay ube. Binuksan ng Panginoon ang kanyang isip upang kanyang pinaniwalaan ang ipinapangaral ni Pablo.

Panalangin:

Ama, anong galak na makita si Lydia na tumanggap kay Cristo. Dalangin ko na ang puso ni _______________________ ay mabuksan upang tumugon sa ebanghelyo. Ipagkaloob Mo kay _______________________ ang bukas na puso at bukas na isipan upang kilalanin ang kanyang kasalanan at tanggapin ang pangangailangan ng kaligtasan sa pamamagitan ni Cristo. Dalangin ko na buksan Mo ang aking puso na magkaroon ng pasanin na magbahagi ng ebanghelyo kung dumating ang pagkakataon. Bigyan Mo ako ng tiyaga, kabaitan, at pag-ibig habang ako ay may lakip na panalanging maghintay sa isang bukas na pinto.

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

21-Days of Praying for Friends

Kadalasan tayo ay nahihirapan na ibahagi ang ebanghelyo sa ating mga kaibigan. Tayo ay natatalo ng takot o kaya ay hindi natin alam ang ating ibabahagi. Kailangan nating lahat ng pasanin na abutin ang ating mga naliligaw na kaibigan para kay Cristo. Ito ay 21-araw na babasahing gabay sa Biblia na tutulong sa atin na pagnilayan ang partikular na mga talata na may kinalaman sa pagbabahagi ng ebanghelyo at may kalakip na maikling panalangin bawat araw para sa ating mga kaibigan.

More

Nais naming pasalamatan ang New City Delhi sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.newcitydelhi.com