21-Araw na Panalangin para sa mga Kaibigan Halimbawa
Gabay sa panalangin
2 Timoteo 2:25-26
Baka sakaling marapatin ng Diyos na sila'y magsisi't tumalikod sa kanilang mga kasalanan upang makilala nila ang katotohanan. Sa gayon, maliliwanagan ang kanilang isip at makakawala sila sa bitag ng diyablo na bumihag at umalipin sa kanila.
Panalangin
Ama, dalangin ko na pagkalooban mo si _______________________ ng pagsisisi patungo sa pagkaalam ng katotohanan. Nawa si _______________________ ay magsisi sa mga mali nilang mga tagapagligtas, pagtitiwala sa sarili at sa sariling katuwiran at bumaling kay Cristo. Iadya Mo si _______________________ mula sa bitag ng diyablo at palayain Mo siya upang gawin ang Iyong kalooban. Dalangin ko na ang kanilang pagsisisi ay tunay at magbunga ng maluwalhating pagbabago ng buhay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kadalasan tayo ay nahihirapan na ibahagi ang ebanghelyo sa ating mga kaibigan. Tayo ay natatalo ng takot o kaya ay hindi natin alam ang ating ibabahagi. Kailangan nating lahat ng pasanin na abutin ang ating mga naliligaw na kaibigan para kay Cristo. Ito ay 21-araw na babasahing gabay sa Biblia na tutulong sa atin na pagnilayan ang partikular na mga talata na may kinalaman sa pagbabahagi ng ebanghelyo at may kalakip na maikling panalangin bawat araw para sa ating mga kaibigan.
More