21-Araw na Panalangin para sa mga Kaibigan Halimbawa
Gabay sa panalangin
2 Mga Taga-Corinto 4:4-6
Hindi sila sumasampalataya sapagkat ang kanilang isip ay binulag ng diyos ng kasamaan sa daigdig na ito, upang hindi nila makita ang liwanag ng Magandang Balita tungkol sa kaluwalhatian ni Cristo na siyang larawan ng Diyos. Hindi namin ipinapangaral ang aming sarili, kundi si Cristo Jesus bilang Panginoon. At kami ay lingkod ninyo alang-alang kay Jesus. Sapagkat ang Diyos na nagsabing, “Mula sa kadiliman ay sisilang ang liwanag,” ay siya ring nagbigay liwanag sa aming isip upang makilala namin ang kaluwalhatian ng Diyos na nahahayag sa mukha ni Cristo.
Panalangin:
Ama, ang mga tao sa sanlibutang ito ay nabulag ng diablo kaya hindi nila makita ang liwanag ng ebanghelyo. Dalangin ko na ang mga mata ni _______________________ ay mabuksan upang makita ang kaluwalhatian ni Cristo. Nawa ang ilaw ng ebanghelyo ay magliwanag sa kanyang puso at buhay. Nawa matanggap ni _______________________ ang ebanghelyo at ang kanyang buhay ay mabago dahil sa maluwalhating katotohanan. Bigyan Mo siya ng pag-iisip na nakauunawa, ng puso na tumatanggap at ng pananampalataya na lubusang nagtitiwala kay Cristo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kadalasan tayo ay nahihirapan na ibahagi ang ebanghelyo sa ating mga kaibigan. Tayo ay natatalo ng takot o kaya ay hindi natin alam ang ating ibabahagi. Kailangan nating lahat ng pasanin na abutin ang ating mga naliligaw na kaibigan para kay Cristo. Ito ay 21-araw na babasahing gabay sa Biblia na tutulong sa atin na pagnilayan ang partikular na mga talata na may kinalaman sa pagbabahagi ng ebanghelyo at may kalakip na maikling panalangin bawat araw para sa ating mga kaibigan.
More