21-Araw na Panalangin para sa mga Kaibigan Halimbawa
Gabay sa panalangin
Lucas 18:1
Isinalaysay ni Jesus ang isang talinhaga upang ituro sa kanila na dapat silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa
Panalangin:
Ama, kadalasan ako ay napapagod sa aking panalangin. Ako ay naiinip at hindi nagtitiyaga na manalangin para sa aking mga kaibigan. Nananalangin ako ngayon na bigyan Mo ako ng panibagong pasanin habang ako ay nananalangin para kay _______________________. Kahit sa wari ay walang nangyayari, Ikaw ay laging gumagawa. Tulungan Mo ako na makita Kang gumagawa. Tulungan Mo si _______________________ na makita Ka bilang Diyos na hindi sumusuko at nagmamahal nang walang pasubali.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kadalasan tayo ay nahihirapan na ibahagi ang ebanghelyo sa ating mga kaibigan. Tayo ay natatalo ng takot o kaya ay hindi natin alam ang ating ibabahagi. Kailangan nating lahat ng pasanin na abutin ang ating mga naliligaw na kaibigan para kay Cristo. Ito ay 21-araw na babasahing gabay sa Biblia na tutulong sa atin na pagnilayan ang partikular na mga talata na may kinalaman sa pagbabahagi ng ebanghelyo at may kalakip na maikling panalangin bawat araw para sa ating mga kaibigan.
More