21-Araw na Panalangin para sa mga Kaibigan Halimbawa
Gabay sa panalangin
Mga Taga-Colosas 1:13-14
Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak, nagpalaya at nagdulot sa atin ng kapatawaran sa ating mga kasalanan.
Panalangin
Ama, sinagip Mo kami sa pamamagitan ng iyong Anak na si Jesu-Cristo. Iniligtas Mo kami, tinubos, inampon, pinuno ng iyong Espiritu at binigyan ng maluwalhating pamana. Dalangin ko na si _______________________ ay makaranas ng katubusan at kapatawaran ng mga kasalanan. Sagipin mo si ________________ mula sa kapamahalaan at kapangyarihan ng kadiliman at palayain Mo siya. Nawa ay makilala ka ni _______________________ at ang kapangyarihan ng muling pagkabuhay ni Cristo sa makapangyarihang paraan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kadalasan tayo ay nahihirapan na ibahagi ang ebanghelyo sa ating mga kaibigan. Tayo ay natatalo ng takot o kaya ay hindi natin alam ang ating ibabahagi. Kailangan nating lahat ng pasanin na abutin ang ating mga naliligaw na kaibigan para kay Cristo. Ito ay 21-araw na babasahing gabay sa Biblia na tutulong sa atin na pagnilayan ang partikular na mga talata na may kinalaman sa pagbabahagi ng ebanghelyo at may kalakip na maikling panalangin bawat araw para sa ating mga kaibigan.
More