21-Araw na Panalangin para sa mga Kaibigan Halimbawa
Gabay sa panalangin
2 Pedro 3:9
Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako, gaya ng inaakala ng ilan. Hindi pa niya tinutupad ang pangakong iyon alang-alang sa inyo. Binibigyan pa niya ng pagkakataon ang lahat upang makapagsisi at tumalikod sa kasalanan sapagkat hindi niya nais na may mapahamak.
Panalangin:
Ama, salamat sa Iyong pagtitiyaga. Hindi Mo kami pinakitunguhan ayon sa aming mga kasalanan kundi ginawaran Mo kami ng Iyong pag-ibig at kagandahang-loob. Nawa ang Iyong kagandahang-loob ay magdala kay _______________________ tungo sa pagsisisi at pananampalataya. Dalangin ko na si _______________________ ay lubos na maunawaan ang lalim ng kanyang kasalanan at ang nararapat dito. Dalangin ko na si _______________________ ay hindi lamang maunawaan ang tungkol sa kasalanan kundi ang kaloob na pagliligtas ni Cristo Jesus.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kadalasan tayo ay nahihirapan na ibahagi ang ebanghelyo sa ating mga kaibigan. Tayo ay natatalo ng takot o kaya ay hindi natin alam ang ating ibabahagi. Kailangan nating lahat ng pasanin na abutin ang ating mga naliligaw na kaibigan para kay Cristo. Ito ay 21-araw na babasahing gabay sa Biblia na tutulong sa atin na pagnilayan ang partikular na mga talata na may kinalaman sa pagbabahagi ng ebanghelyo at may kalakip na maikling panalangin bawat araw para sa ating mga kaibigan.
More