21-Araw na Panalangin para sa mga Kaibigan Halimbawa
Gabay sa panalangin
Mga Taga-Efeso 6:19
Ipanalangin din ninyong ako'y pagkalooban ng wastong pananalita upang buong tapang kong maipahayag ang hiwaga ng Magandang Balitang ito
Panalangin:
Ama, inaamin ko ang aking mga takot pagdating sa pagbabahagi ng ebanghelyo. Natatakot ako sa mga tao at kung ano ang iisipin nila sa akin. Natatakot akong matanggihan at mabigo. Natatakot akong pagtawanan at kutyain. Natatakot akong hiyain at mapahiya. Inaamin ko ang mga takot na ito sa Iyo. Nananalangin ako ng katapangan habang ibinabahagi ko ang ebanghelyo. Idinadalangin ko na habang ibinabahagi ko ang ebanghelyo kasama si _____________________ ay hindi ako kokontrolin ng takot kundi mapuno nawa ako ng pag-ibig. Takpan Mo ang aking mga sariling kakulangan at bigyan Mo ako ng lakas ng loob sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kadalasan tayo ay nahihirapan na ibahagi ang ebanghelyo sa ating mga kaibigan. Tayo ay natatalo ng takot o kaya ay hindi natin alam ang ating ibabahagi. Kailangan nating lahat ng pasanin na abutin ang ating mga naliligaw na kaibigan para kay Cristo. Ito ay 21-araw na babasahing gabay sa Biblia na tutulong sa atin na pagnilayan ang partikular na mga talata na may kinalaman sa pagbabahagi ng ebanghelyo at may kalakip na maikling panalangin bawat araw para sa ating mga kaibigan.
More