21-Araw na Panalangin para sa mga Kaibigan Halimbawa
Gabay sa panalangin
1 Mga Taga-Tesalonica 1:9-10
Ang mga tagaroon na rin ang nagbabalita kung paano ninyo kami tinanggap. Sila rin ang nagsasabi kung paano ninyo tinalikuran ang pagsamba sa mga diyus-diyosan upang maglingkod sa tunay at buháy na Diyos, at maghintay sa pagbabalik ng kanyang Anak mula sa langit. Ito'y si Jesus na muli niyang binuhay; na siya ring nagliligtas sa atin sa darating na poot ng Diyos.
Panalangin:
Ama, dalangin ko na si _______________________ ay tatalikod sa mga diyus-diyosan kapwa pisikal at espirituwal at bumaling kay Jesus bilang Tagapagligtas at Panginoon. Nawa ay tanggapin ni _______________________ ang ebanghelyo na may tunay na pagsisisi at pananampalataya at kilalanin ka bilang Diyos. Dalangin ko na ang kapangyarihan ng diablo, ang kapangyarihan ng salapi, tagumpay, katanyagan, at hilig ng laman, ang kapangyarihan nang kagustuhan ng laman ay mapagtagumpayan ng Espiritu. Iligtas mo si _______________________ mula sa poot na darating para sa iyong kaluwalhatian.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kadalasan tayo ay nahihirapan na ibahagi ang ebanghelyo sa ating mga kaibigan. Tayo ay natatalo ng takot o kaya ay hindi natin alam ang ating ibabahagi. Kailangan nating lahat ng pasanin na abutin ang ating mga naliligaw na kaibigan para kay Cristo. Ito ay 21-araw na babasahing gabay sa Biblia na tutulong sa atin na pagnilayan ang partikular na mga talata na may kinalaman sa pagbabahagi ng ebanghelyo at may kalakip na maikling panalangin bawat araw para sa ating mga kaibigan.
More