21-Araw na Panalangin para sa mga Kaibigan Halimbawa
Gabay sa panalangin
Mga Awit 67:1-2
O Diyos, pagpalain kami't kahabagan, kami Panginoo'y iyong kaawaan, upang sa daigdig mabatid ng lahat ang iyong kalooban at ang pagliligtas.
Panalangin:
Ama, ang Iyong kaharian ay walang hangganan at ang Iyong paghahari ay sukdulan. Dalangin ko na kahabagan Mo si _____________________ upang makilala Ka niya at ang kapangyarihan ng Iyong pagliligtas. Ibaling Mo ang Iyong mukha kay _______________________ upang iharap niya ang kanyang mukha sa Iyo. Nakikiusap ako sa Iyo na ipahayag Mo ang Iyong salita, ipabatid ang Iyong mga pamamaraan at baguhin ang kanyang puso.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kadalasan tayo ay nahihirapan na ibahagi ang ebanghelyo sa ating mga kaibigan. Tayo ay natatalo ng takot o kaya ay hindi natin alam ang ating ibabahagi. Kailangan nating lahat ng pasanin na abutin ang ating mga naliligaw na kaibigan para kay Cristo. Ito ay 21-araw na babasahing gabay sa Biblia na tutulong sa atin na pagnilayan ang partikular na mga talata na may kinalaman sa pagbabahagi ng ebanghelyo at may kalakip na maikling panalangin bawat araw para sa ating mga kaibigan.
More