21-Araw na Panalangin para sa mga Kaibigan Halimbawa
Gabay sa panalangin
1 Mga Taga-Corinto 3:6-7
Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, subalit ang Diyos ang nagpatubo at nagpalago. Hindi ang nagtatanim o nagdidilig ang mahalaga kundi ang Diyos, sapagkat siya ang nagpapatubo at nagpapalago.
Panalangin:
Ama, nagpapasalamat ako dahil hindi ako nag-iisa na nananalangin para kay _______________________. Ikaw, sa Iyong sariling paraan ng pagkakaloob, ay hinayaan na ang Iyong mga lingkod ay gumawa para sa buhay ni _______________________. Dalangin ko na ang tanglaw ng ebanghelyo ay magliwanag sa pamamagitan ng Iyong mga lingkod habang sila ay nakikipag-ugnayan kay _______________________ sa araw-araw. Dalangin ko na ang lahat ng mga saksing ito sa Kanyang buhay ay magtuturo kay Cristo at pangyarihin na ang binhi ng Iyong salita ay lumago, mag-ugat at mamunga para sa Iyong kaluwalhatian.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kadalasan tayo ay nahihirapan na ibahagi ang ebanghelyo sa ating mga kaibigan. Tayo ay natatalo ng takot o kaya ay hindi natin alam ang ating ibabahagi. Kailangan nating lahat ng pasanin na abutin ang ating mga naliligaw na kaibigan para kay Cristo. Ito ay 21-araw na babasahing gabay sa Biblia na tutulong sa atin na pagnilayan ang partikular na mga talata na may kinalaman sa pagbabahagi ng ebanghelyo at may kalakip na maikling panalangin bawat araw para sa ating mga kaibigan.
More