Kagalakan: Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa
Kagalakan Sa Panahon ng Pagdurusa
Naisip mo na ba na ang buhay ay hindi patas?
Nauunawaan iyan ni Elisabet, ang pinsan ni Maria. Sa maraming taon, siya at ang kanyang asawa na si Zacarias ay hindi magkaanak. Kahit sila ay marangal at sumusunod sa utos ng Diyos, noong mga panahong iyon, ang hindi pagkakaroon ng anak ay tinuturing na kahihiyan. Gaano na lang kaya ang sakit at pagkalito na kanilang naranasan noong kanilang nalaman na hindi sila magkakaanak.
Kalaunan, nang si Elisabet ay matanda na, siya ay nagsilang sa isang sanggol na lalaki na siyang naghanda sa mga taga-Israel para sa Tagapagligtas ng mundo. Ang hindi nila alam sa mga panahon ng kanilang pagkabigo, kumikilos ang Diyos upang gawin ang kanilang kalungkutan na maging dahilan upang ang pagod na mundo ay magsaya.
Ang mga pagsubok ay hindi, dapat balewalain, ngunit dahil si Jesus ay naparito sa mundo, tayo ay maaring magtiwala na ang buhay natin ay hindi magtatapos sa pagdurusa. Naiintindihan ng Diyos ang iyong pinagdaraanan at hindi Niya hahayaang mabalewala ang iyong paghihirap.
Habang inihahanda mo ang iyong puso para sa Pasko, maglaan ng panahon upang mapagtanto ang mga paraang ginamit ng Diyos upang palakasin ka sa pamamagitan ng mga mahihirap na sitwasyon at panahon. Ipagdiwang na ikaw ay kilala ng Tagapagligtas na dumadamay sa iyong pagdurusa, at hingin sa Diyos na ipakita sa iyo kung paano Niya ginamit ang iyong paghihirap para sa Kanyang kapurihan at sa iyong ikabubuti.
Dasalin ang Panalanging ito:
Panginoong Diyos, sa bawat panahon, ako po ay nagpapasalamat na walang imposible para sa Iyo. Kahit masasakit ang mga pagsubok na nararanasan ko, ako po ay nagpapasalamat dahil sila ay pansamantala lamang kumpara sa panghabambuhay na kaluwalhatian na inihahanda Ninyo para sa akin. Sa mga panahong labis-labis ang mga pagsubok sa buhay, makita ko po sana ang mga pangyayari ayon sa Inyong pananaw at tulungan po Ninyo akong makita ang kagalakang itinakda Ninyo para sa akin. Mahal ko po Kayo, at ngayon, pinipili kong sambahin Kayo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Pasko ay dapat sanang panahon ng kagalakan - ngunit ano nga ba talaga ang kagalakan at paano mo ito pipiliin kapag ang mundo ay puno ng sakit at paghihirap? Tuklasin kung ano talaga ang ibig sabihin ng "joy to the world" sa pamamagitan ng pagbabad sa kuwento ng Pasko kasama nitong espesyal na 7-araw na Gabay para sa Pasko.
More