Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kagalakan: Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa

Joy: A Countdown to Christmas

ARAW 2 NG 7

Ang Kagalakan sa Anyo ng Tao

Kapag naiisip mo ang salitang "kagalakan," ano ang pumapasok sa isip mo? 

Kung ikaw ay isang Israelita na namumuhay sa panahon ng Lumang Tipan, ito ay magiging parang sumisigaw nang may galak na pagsamba, nagpapahayag ng kasiyahan sa mga relihiyosong seremonya, at nagninilay nang may kaligayahan sa mga natatanging halimbawa ng katapatan ng Diyos sa Kanyang bayan. 

Ang mga bagay ay bahagyang nagbago sa Bagong Tipan. Dahil sa kapanganakan ni Cristo, hindi lang kagalakan ang ating inaasahan, kundi ito rin ay isang kasiguruhang puno ng papuri na nananahan in sa iyo—na nagpapaalala sa iyo na tinutupad ng Diyos ang Kanyang mga pangako at ginagawa ang lahat para sa iyong ikabubuti at sa Kanyang kaluwalhatian. Ang kagalakan ay tumutulong sa iyo para ituon mo ang iyong mga mata kay Jesus at ituro ang ibakay Jesus dahil natupad ang kagalakan ay si kay Jesus.  

Sa pagpapatuloy mo ng pagdiriwang ng nalalapit na Pasko, sandaling maglaan ng oras upang magpasalamat sa Diyos para sa kagalakan na pumasok sa mundo sa sandaling isinuko ni Jesus ang langit para maging Emmanuel, “Kasama natin ang Diyos.”

Dasalin ang Panalanging ito: 

Panginoong Diyos, sa Iyo ay nasa sa akin na ang lahat ng kailangan ko. Salamat sa pagiging “Kasama natin ang Diyos.” Salamat sa pagiging bukal ng aming kagalakan at dahilan ng aking pagsamba. Salamat sa pagpili na maging isang tunay na sakripisyo upang makilala Kita nang personal at malapitan. Nang dahil sa Iyo, mayroon akong dahilan upang sumamba.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Joy: A Countdown to Christmas

Ang Pasko ay dapat sanang panahon ng kagalakan - ngunit ano nga ba talaga ang kagalakan at paano mo ito pipiliin kapag ang mundo ay puno ng sakit at paghihirap? Tuklasin kung ano talaga ang ibig sabihin ng "joy to the world" sa pamamagitan ng pagbabad sa kuwento ng Pasko kasama nitong espesyal na 7-araw na Gabay para sa Pasko.

More

Ang orihinal na Gabay sa Bibliang ito na ito ay nilikha at nagmula sa YouVersion.