Kagalakan: Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa
Pagpili Sa Kagalakan
Pag-isipan kung paano kaya ang isang batang babae na walang asawa sa Israel noong unang panahon kung saan kapag nabuntis at walang asawa ay maaaring patayin. Pag-isipan kung paano mo kaya ito sasabihin sa iyong pamilya, at sa iyong mapapangasawa, na ipinagbubuntis mo… ang anak ng Diyos.
Ganyan ang sitwasyon ni Maria nang sabihin niya sa Anghel ng Diyos, “Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” (Lucas 1:38 Rtpv05)
Madali itong balikan sa Banal na Kasulatan at mahagingan lamang kung anu-ano ang hinihiling kay Maria na harapin o isantabi. Pero nang nagpadala ng anghel ang Diyos sa kanya, sumagot si Maria nang puno ng pananampalatayang pagsunod kahit na may peligro ng tsismis, iskandalo, pagpapatalsik, at kahit kamatayan kung sasagot siya ng “oo.” Pagkalipas, habang pinagninilayan niya ang katapatan ng Diyos, pinili niyang purihin nang may kagalakan ang Diyos na hindi siya binigo kailanman.
Sa araw na ito, nawa'y maalala mo na ikaw, katulad ni Maria, ay pinili at lubos na kinalugdan ng Diyos na nagmamahal sa iyo at may mga dakilang plano para sa iyo. Anuman ang sitwasyon mo sa ngayon, tandaan mong hindi binigo ng Diyos ang Kanyang mga anak, at lalong hindi Niya ito uumpisahan sa iyo.
Sa sandaling ito, pagnilayan mo ang sagot ni Maria sa mga plano ng Diyos sa kanya. Hilingin sa Diyos na tulungan kang mamuhay nang may puno ng pananampalatayang pagsunod at kagalakan.
Dasalin ang Panalanging ito:
Panginoong Diyos, salamat po sa Iyong di-nagmamaliw na pag-ibig at walang imposible sa Iyo. Panginoon, sa bawat sitwasyon at panahon, tulungan mo po akong sa Iyo lamang tumingin, at purihin ka dahil Ikaw ay matapat. Mahal ko po Kayo, at ngayon ay pinipili kong sambahin Kayo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Pasko ay dapat sanang panahon ng kagalakan - ngunit ano nga ba talaga ang kagalakan at paano mo ito pipiliin kapag ang mundo ay puno ng sakit at paghihirap? Tuklasin kung ano talaga ang ibig sabihin ng "joy to the world" sa pamamagitan ng pagbabad sa kuwento ng Pasko kasama nitong espesyal na 7-araw na Gabay para sa Pasko.
More