Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kagalakan: Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa

Joy: A Countdown to Christmas

ARAW 6 NG 7

Kaligayahang Nakamtan 

Ipagpalagay na isa kang Israelita noong unang panahon. Narinig mong ang Tagapagligtas ay dadating, pero sa loob ng 400 taon ang iyong bayan ay dumanas ng digmaan, taggutom, kudeta, at palipat-lipat ng tirahan bilang mga takas. Pagkatapos ay isang gabi, isang sanggol ang isinilang na nagngangalang Emmanuel, “ang Diyos ay nasa atin.” Pagkalipas ng ilang taong paghihintay, ang pangako ng Diyos ay dumating na nababalot ng damit sa isang sabsaban. 

Dahil ang Diyos ay gumagawa sa labas ng ating pagkakaintindi ng panahon, maaari nating akalain na Siya ay mabagal sa Kanyang mga plano. Bagaman may mga bagay tayong hindi maiintindihan sa ating mababaw na perspektibo, ang kuwento ng Pasko ay isang paalala na ang Diyos ay tumutupad sa lahat ng Kanyang mga pangako.

Madalas na sa panahon ng ating paghihintay ay inihahanda tayo ng Diyos para sa Kanyang mga plano at pangako para sa atin. Dahil sa naipakita na ng Diyos na Siya ay tapat sa lahat ng panahon, pwede tayong magtiwala na ang kaligayahan natin ay makakamtan balang araw.

Sa araw na ito, magnilay-nilay tayo sa katapatan ng Diyos at isulat natin ang iba't-ibang paraan na naipakita Niya na Siya ay tapat.

Dasalin ang Panalanging ito:

Panginoong Diyos, tulungan mo po akong piliin ang kaligayahan. Salamat po sa pagpapadala Mo ng Iyong Anak sa mundong makasalanan para maranasan namin ang katuparan ng kaligayahan na nagmumula sa pagkakakilala sa Iyo. Ngayon, ako po ay naghihintay sa katuparan ng Iyong mga pangako, pinipili kong magsaya sa Iyong mga nagawa. Mahal ko po Kayo, at ngayon ay sinasamba po Kita.

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Joy: A Countdown to Christmas

Ang Pasko ay dapat sanang panahon ng kagalakan - ngunit ano nga ba talaga ang kagalakan at paano mo ito pipiliin kapag ang mundo ay puno ng sakit at paghihirap? Tuklasin kung ano talaga ang ibig sabihin ng "joy to the world" sa pamamagitan ng pagbabad sa kuwento ng Pasko kasama nitong espesyal na 7-araw na Gabay para sa Pasko.

More

Ang orihinal na Gabay sa Bibliang ito na ito ay nilikha at nagmula sa YouVersion.