Kagalakan: Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa
Mamahaling Regalo
Nang dumating ang mga mago mula sa Silangan para sambahin si Jesus, nagdala sila ng mamahaling regalo tulad ng ginto, insenso at pabangong mira.
Isipin kung gaanong nakakaasiwa kung sinabi nina Maria at Jose: “Salamat sa inyong handog, pero ang mga regalong ito ay sobra-sobra para sa amin, hindi namin ito matatanggap.”
Parang ang labo, pero madaling sumagot nang ganito kapag pinagpapala tayo ng Diyos.
Kapag tinanggap natin si Jesus bilang ating Panginoon at Tagapagligtas, ibinibigay Niya ang Banal na Espiritu na pinalalago ang mabuting bunga sa ating buhay upang tayo ay mas maging katulad Niya. Kagalakan ang isa sa mga regalong iyon.
Ngunit, ang kagalakan ay madalas na nawawala kapag pumipili ka ng mga pag-uugaling labag sa Diyos, o sa tuwing iniisip mo na hindi ka karapat-dapat sa pag-ibig ni Jesus. Ngunit kapag hinayaan mong baguhin ni Cristo ang iyong puso at isipan, makikita mo ang iyong sarili kung paano ka Niya nakikita: tinawag sa Kanyang pangalan at naligtas ng Kanyang dugo. Habang napapamahal ka na kay Jesus, hahanap-hanapin mo ang Kanyang mga kaloob, at ang mga pag-uugaling labag sa Diyos ay di na kaakit-akit.
Ngayon, tandaan na mas mahal tayo ng Diyos kesa sa buhay mismo: kaya pinili Niyang bumaba dito sa lupa bilang isang sanggol ilang taon na ang nakalipas. Wala Siyang hindi gagawin para mas mapalapit ka sa Kanya.
Dahil sa Pasko kaya matatanggap mo ang pinakadakilang regalo sa lahat: ang kagalakan na nagmumula sa pagkakakilala kay Cristo Jesus bilang Tagapagligtas, Panginoon, at mangingibig ng iyong buhay.
Dasalin ang Panalanging ito:
Panginoon, salamat po sa regalong si Jesus at sa bunga ng Espiritu Santo. Salamat po at naparito ka sa lupa bilang isang sanggol para makasama ko Kayo magpakailanman. Ngayon at sa araw-araw, pinipili kong sambahin Kayo nang may kagalakan dahil mahal ko po Kayo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Pasko ay dapat sanang panahon ng kagalakan - ngunit ano nga ba talaga ang kagalakan at paano mo ito pipiliin kapag ang mundo ay puno ng sakit at paghihirap? Tuklasin kung ano talaga ang ibig sabihin ng "joy to the world" sa pamamagitan ng pagbabad sa kuwento ng Pasko kasama nitong espesyal na 7-araw na Gabay para sa Pasko.
More