Kagalakan: Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa
Ito ay Para sa Lahat ng Tao
Isang mabituin, tahimik na gabi sa maburol na bansa ng Bethlehem. Sa iyong paligid, walang maririnig na kahit ano kundi ang hilik ng mga tupa at ibang mga pastol. Ang pagpapastol ay isang malungkot na propesyon na iniiwan kang nakahiwalay sa lipunan mula sa iyong buong pamayanan. Ngunit isang gabi, isang maliwanag na ilaw ang biglang lumitaw kasama ang maraming mga anghel na nagsasabi sa iyo na sila ay may dalang mabuting balita ng labis na kagalakan para sa lahat ng tao.
Katulad ng mga pastol, ikaw rin ay inaanyayahang magalak sa himala ng kapanganakan ni Cristo. Hindi mahalaga kung sino ka—Ang kagalakan ng Pasko ay para sa lahat: sa mayaman, sa mahirap, sa masaya, sa malungkot, sa kinalimutan, at sa lubos na minamahal.
Habang binabasa mo ang Banal na Kasulatan ngayon, maglaan ka ng ilang sandali upang magpasalamat sa Diyos para sa kagalakang libreng ipinagkaloob sa iyo dahil sa isang Tagapagligtas na ipinanganak para sa lahat ng tao.
Dasalin ang Panalanging ito:
Panginoon, salamat sa kagalakang Iyong masaganang ipinagkaloob sa akin dahil sa kapanganakan ng Iyong Anak, si Jesus. Salamat sa pagtawag sa akin sa pamamagitan ng aking pangalan. Ngayon, hinihiling ko na luwalhatiin ka sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Iyong kagalakan sa iba. Mahal kita, at ngayon ay pinipili kong sambahin Ka.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Pasko ay dapat sanang panahon ng kagalakan - ngunit ano nga ba talaga ang kagalakan at paano mo ito pipiliin kapag ang mundo ay puno ng sakit at paghihirap? Tuklasin kung ano talaga ang ibig sabihin ng "joy to the world" sa pamamagitan ng pagbabad sa kuwento ng Pasko kasama nitong espesyal na 7-araw na Gabay para sa Pasko.
More