Kagalakan: Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa
Ang Kuwento ay Nagsimula
Ano nga ba ang kagalakan?
Upang malaman natin ito, balikan natin ang panahon nang likhain ng Diyos ang mundo. Isipin mo ikaw ay binuhay sa pamamagitan ng hininga ng Diyos, at habang hinihila ka Niya mula sa lupa, Siya ay ngumiti sa iyo. Simula noon, sa tuwing ika'y Kanyang tinitignan, nagliliwanag ang Kanyang mukha. Ang buhay ay perpekto hanggang sa isang araw, ginawa mo ang tanging isang bagay na isinumpa ng Diyos na hindi mo dapat kailanman gawin, at dahil sa pagrerebeldeng ito, pinaghiwalay mo ang iyong sarili mula sa Isang nakakaalam sa iyo nang lubusan at minamahal ka nang walang humpay. Sa isang iglap, ang dapat na walang hanggang pagkalapit sa Diyos ay naging walang hanggang pagkahiwalay mula sa Kanya.
Iyon ang nangyari sa Genesis 1-3… ngunit salamat, hindi ito ang katapusan ng kuwento. Kahit na ang sangkatauhan ay nagkamali, ang Diyos ay nangako na Siya ay magpapadala ng isang tao upang ayusin ang ating pagkasira at panumbalikin ang ating relasyon sa Kanya.
Ang Pasko ay nagmamarka ng pagdating ng ipinangakong sagot ng Diyos nang ang Diyos na Tagapaglikha ay ginamit ang anyo ng isang sanggol at naging “Kasama natin ang Diyos.” Dahil sa Pasko, ngayon kung sinuman ang piliing maniwala kay Cristo ay maaaring makaranas ng permanenteng kagalakan na nagmumula lamang sa personal na pagkilala sa Diyos.
Sa susunod na linggo, titignan natin ang maraming mga halimbawa sa Biblia ng mga taong nagpakita ng kagalakang nagpabago ng buhay. Ngayon, maghanda para sa Pasko sa pamamagitan ng pagninilay sa kung ano ang ibig sabihin ng pagdating ng Tagapagligtas sa mga taong nabitag sa panghabang-buhay na pagkahiwalay mula sa Diyos, at pasalamatan si Jesus sa pagiging “Kasama natin ang Diyos.”
Dasalin ang Panalanging ito:
Panginoon, nang dahil sa Ikaw ay naparito sa mundo bilang isang sanggol ay maaari kong maranasan ang walang hanggang kagalakan. Sa linggong ito, tulungan Mo akong pahalagahan ang kapanganakan ng aking Tagapagligtas sa isang bagong paraan. Nawa'y ang kagalakan ng kuwento ng Pasko ay tumalon mula sa Biblia at baguhin ako. Ihanda Mo ang aking puso ngayon upang tanggapin ko ang Iyong kaluwalhatian.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Pasko ay dapat sanang panahon ng kagalakan - ngunit ano nga ba talaga ang kagalakan at paano mo ito pipiliin kapag ang mundo ay puno ng sakit at paghihirap? Tuklasin kung ano talaga ang ibig sabihin ng "joy to the world" sa pamamagitan ng pagbabad sa kuwento ng Pasko kasama nitong espesyal na 7-araw na Gabay para sa Pasko.
More