Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mas Mahusay Kapag Sama-samaHalimbawa

Better Together

ARAW 11 NG 24

Ang Pagbabago ay Nangangailangan ng Isang Tapat na Pamayanan

Upang mabago ang mga kapintasan sa buhay mo, kailangang magkaroon ka ng mga taong nagsasabi sa iyo ng katotohanan. Hindi ka mapapabuti sa sarili mong pag-aayos lamang; kailangan mo ng ibang tao sa buhay mo. Kailangan mo ng tulong. Kailangan mo ng isang maliit na grupo. Ang pagbabago ay nangangailangan ng tapat na pamayanan.

May mga bagay sa buhay mo na hindi mo kailanman makakayang baguhin sa sarili mong kakayanan, kadalasan ito ay ang mga bagay na pinakamahirap sa buhay mo at ayaw mong may ibang taong makaalam tungkol dito.

Hindi mo malalampasan ang mga ito hangga't hindi mo ito ibabahagi sa isang tao. Hindi mo kailangang sabihin ito sa lahat ng tao. Kailangan mo lang makahanap ng isang taong magtitiwala sa iyo at mapagkakatiwalaan mo — isang taong makapagtatago ng lihim, mamahalin ka nang walang pasubali, hindi mabilis humatol, at ipapanalangin ka. Ang pagsisiwalat ng iyong damdamin ay simula ng kagalingan.

Hindi tinutukoy nito ang isang maliit na grupo kung saan kayo ay nagsasama-sama sa isang mababaw na antas lamang at ang lahat ay “maayos” o “nasa mabuting kalagayan.” Kailangang marating mo ang antas ng pagkakaroon ng hustong kaisipan sa iyong maliit na grupo kung saan maaari mong sabihin, “Naging napakahirap ng linggong ito para sa akin. Ang sama ng buhay ko. Ito ang nangyari.”

“Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan” (Mga Taga-Efeso 4:25 RTVP05). Kung ikaw ay mananampalataya, ikaw ay kabilang din. Kabilang ka sa pamilya ng Diyos, at bawat isang mananampalataya ay kabilang sa iyo. Hindi ka magiging kung hindi ka kabilang. Hindi mo mararating ang ninanais ng Diyos para sa iyo hangga't hindi ka nakakabilang sa isang grupong magkakaroon ng matapang at tapat na pamayanan. Alisin na ang kasinungalingan. Makipag-usap sa iyong kapwa. Sabihin mo sa iyong kaibigan ang katotohanan, sapagkat tayo ay nabibilang sa isa't-isa.

Kung ikaw ay seryosong mabago ang pinakamatinding bumabagabag sa iyong puso, ang pinakamatinding kapintasan sa iyong buhay, kailangan mong harapin ang takot sa pagiging tapat. Kailangang ihinto mo na ang pagkukunwari. Kailangang iwaksi mo na ang mga kasinungalingan. Maging totoo ka na.

Maaari kang magpatuloy sa buhay mo ng may isa sa dalawang pagpipilian: magkukunwari kang maayos ang lahat sa buhay mo o papunta na sa pagiging maayos ang buhay mo. Ngunit hindi magiging ayos ang lahat habang nagkukunwari kang maayos ang lahat. At hindi ka magiging maayos, hindi ka magkakaroon ng kagalingan, hindi mo matatanggal ang kung anumang bumabagabag sa iyong buhay hangga't hindi mo ito sinasabi sa isang tao.

Pakinggan ngayong araw na ito ang audio teaching mula kay Pastor Rick >>

Banal na Kasulatan

Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

Better Together

Hindi mo kayang gawin ang lahat ng ninanais ng Diyos para sa iyo at matupad ang mga layunin kung bakit narito ka sa planetang ito nang walang tulong. Kailangan natin ang isa't-isa, at kabilang tayo sa Katawan ni Cristo! Sa seryeng ito, ipinapaliwang ni Pastor Rick kung paanong mabuhay nang may ugnayan sa ibang tao.

More

Ang gabay na ito © 2015 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org