Mas Mahusay Kapag Sama-samaHalimbawa
Kapag Tinutulungan Mo Ang Ibang Lumago, Lumalago Ka Rin
Ginawa ka ng Diyos sa paraang kapag tumulong ka upang lumago ang mga tao, tutulungan ka naman Niyang lumago. Wala nang ibang panahon kung kailan mas mabilis ang paglago mo kaysa sa panahong kasama mo ang ibang mga mananampalataya at kayo ay nagpapalakasan ng loob sa pagtatalaga ng buhay ninyo upang sumunod kay Jesu-Cristo.
Sinasabi ng Biblia sa 1 Timoteo 4:7 na, “pagsumikapan mong maging maka-Diyos” (RTPV05). Paano kang nagsusumikap na maging maka-Diyos? Sumasama ka sa maliit na grupo, at humahanap ka ng espirituwal na katuwang mo. Hindi mo ba napansing mas madaling gumawa kapag may kasama ka sa iyong ginagawa? Kailangan mo ng isang taong makakasama sa iyong paglalakbay sa pananampalataya, at kailangan mo ring magkaroon ng ganitong pananagutan sa ibang tao.
Walang higit na nakakaapekto sa buhay mo kaysa sa mga pananagutan mo. Sabihin mo sa akin kung anong pananagutan mo, at sasabihin ko sa iyo kung anong mangyayari sa iyo makalipas ang 20 taon, sapagkat ikaw ay magiging kung anuman ang iyong pinanagutan. Ang iyong mga pananagutan ang humuhubog sa buhay mo! At kung wala kang pinanagutang kahit ano, ang ibang tao ang humuhubog sa buhay mo!
Hindi lamang naaapektuhan ng iyong mga pananagutan ang kasalukuyan; naaapektuhan din nito ang kawalang-hanggan, dahil ang bawat pagpiling ginagawa mo ay may panghabambuhay na bunga. Kaya nga sinasabi ng Biblia sa Mga Taga-Roma 1:12 na, “Ang ibig kong sabihi'y upang magkatulungan tayo sa ikalalakas ng bawat isa sa atin sa pamamagitan ng ating pananalig sa Diyos” (RTPV05).
Kaya nga kailangan mo ng isang iglesia na magiging pamilya mo, at kaya rin kailangan mong sumali sa isang maliit na grupo. Kailangan nating magtulungan!
Pakinggan ang audio teaching para sa araw na ito mula kay Pastor Rick >>
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hindi mo kayang gawin ang lahat ng ninanais ng Diyos para sa iyo at matupad ang mga layunin kung bakit narito ka sa planetang ito nang walang tulong. Kailangan natin ang isa't-isa, at kabilang tayo sa Katawan ni Cristo! Sa seryeng ito, ipinapaliwang ni Pastor Rick kung paanong mabuhay nang may ugnayan sa ibang tao.
More