Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mas Mahusay Kapag Sama-samaHalimbawa

Better Together

ARAW 17 NG 24

Pinaglilingkuran Mo ang Diyos sa Pamamagitan ng Paglilingkod sa Ibang Tao

Iisa lamang ang paraan kung paano mong mapaglilingkuran ang Diyos: sa pamamagitan ng paglilingkod sa ibang tao. Sa tuwing ginagamit mo ang iyong mga talento, oras, lakas, at kayamanan upang tulungan ang ibang tao, iyan ang tinatawag na ministeryo.

Ngunit ayaw ng Diyos na magministeryo ka nang nag-iisa! Sinasabi sa Mga Taga-Filipos 2:2 na, “Lubusin ninyo ang aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan, mabuklod kayo sa iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa puso't diwa” (RTPV05). Bakit hinihingi ito ng Diyos? Bakit hindi pwedeng maglingkod ka na lamang sa Diyos ng nag-iisa?

1. Dahil tayo ay isang pamilya. Sinasabi ng Biblia sa 1 Mga Taga-Corinto 3:9 na, “Kami'y kapwa manggagawa ng Diyos” (RTPV05). Kapag kayo ay kabilang sa pamilya ng Diyos nais Niyang nakakasundo mo ang iba pang miyembro ng pamilya. Sa katunayan, mas interesado ang Diyos sa mga relasyong nabubuo mo sa iyong paglilingkod nang sama-sama kaysa sa paglilingkod na ginagawa mo. Nais Niyang matutunan mo kung paanong makiisa sa pamilya ng Diyos.

2. Dahil kailangan natin ang isa't-isa. Kailangan natin ang isa't-isa upang maglingkod. Walang iisang taong taglay ang lahat ng mga talento. Wala ring iisang taong mayroon ng lahat ng kaloob. Ganito talaga ang ginawa ng Diyos upang kailanganin mo ako at kailanganin kita at kailanganin natin ang isa't-isa.

“Kahit na tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat ay bahagi ng isa't isa.” (Mga Taga-Roma 12:5 RTPV05)

3. Dahil mas marami tayong nagagawa. Sinasabi sa Ang Mangangaral 4:9 na, “Ang dalawa ay mabuti kaysa isa; mas marami ang bunga ng anumang gagawin nila” (RTPV05). Ang pagtutulungan nang sama-sama ay nagpaparami ng mahusay na gawain.

Nais ng Diyos na gamitin ka sa mga paraang ni hindi mo inaasahan. Maaari mong sabihin, “Ano ba ang maibibigay ko?” Mayroon kang maibibigay pero hindi ito sapat kung ikaw lamang mag-isa. Kaya kailangan mo ng ibang tao sa buhay mo. Nais ng Diyos na gamitin ka ngunit nais din Niya na gamitin ka sa isang grupo kung saan kayo ay magkakatulungan.

Ginawa tayo ng Diyos sa paraang mararamdaman nating buhay na buhay tayo kapag bahagi tayo ng isang grupong gumagawa para sa Kaharian ng Diyos. Mas nagiging malapit tayo sa isa't-isa kapag bahagi tayo ng isang grupo, mas marami rin tayong natatapos gawin, at nagiging mas masaya tayo. Ang pinakamabilis na paraan upang maging mas malapit ang iyong maliit na grupo ay sa pamamagitan ng paglilingkod nila sa isa't-isa. Kapag kayo ay nagsasama-sama para sa isang layuning para sa walang-hanggan, nagkakaroon ng isang grupong hindi mo kayang pigilan upang gawin ang mga dakilang bagay para sa Diyos.

Pakinggan ang audio teaching para sa araw na ito mula kay Pastor Rick>>

Araw 16Araw 18

Tungkol sa Gabay na ito

Better Together

Hindi mo kayang gawin ang lahat ng ninanais ng Diyos para sa iyo at matupad ang mga layunin kung bakit narito ka sa planetang ito nang walang tulong. Kailangan natin ang isa't-isa, at kabilang tayo sa Katawan ni Cristo! Sa seryeng ito, ipinapaliwang ni Pastor Rick kung paanong mabuhay nang may ugnayan sa ibang tao.

More

Ang gabay na ito © 2015 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org