Mas Mahusay Kapag Sama-samaHalimbawa
Ang Pinakamahusay na Pamumuhunang Maaari Mong Gawin
Ang pagkabukas-palad ay isang pamumuhunan. Sinasabi sa Lucas 16:9, “Gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa” (RTPV05). Maraming beses ko nang sinabi sa inyo na hindi ninyo ito madadala sa inyong pupuntahan. Alam ba ninyong ang mga punerarya ay nagbebenta ng mga kasuotang maaaring gamitin sa burol? Sila ay para sa mga taong gustong mailibing na nakasuot ng terno pero wala sila nito. Alam ba ninyo kung anong kaibahan ng ternong ibinebentang pamburol? Wala itong mga bulsa! Totoo ito! Hindi mo naman kailangan nito dahil hindi mo naman madadala ito sa pupuntahan mo. Pero maaaring mauna mo nang ipadala ito.
Paano mo itong gagawin? Sa pamumuhunan mo sa mga taong pupunta doon.
Sinasabi ng Biblia sa 1 Timoteo 6:18-19 na, “Turuan mo silang gumawa ng mabuti at magpakayaman sa mabuting gawa, maging bukás-palad at matulungin sa kapwa. Sa gayon, makakapag-impok sila para sa matatag na hinaharap, at makakamtan nila ang tunay na buhay.” (RTPV05).
Sa tuwing bukas-palad ka sa mahihirap, sa kaibigan, o sa kapitbahay, sinasabi ng Diyos na nag-iimpok ka sa bangko mo sa Langit. Ang panahon mo sa Daigdig ay tatagal lamang ng 80 taon at pinakamatagal na siguro ang 100 taon. Gugugulin mo ang trilyong taon sa kawalang-hanggan. Saan mo kinakailangang may malaking pag-iimpok?
Wala nang hihigit pang pamumuhunan kang magagawa kaysa sa pamumuhunan mo sa Kaharian ng Diyos. Ang iyong pinamuhunan ay iniingatan sa Langit. Maganda ang ibabayad nito sa iyo. Napatunayan na iyan. Malaki ang tubo at walang panganib.
Wala ka nang makukuha pang ganyang uri ng pamumuhunan kahit saan!
Pakinggan ang audio teaching para sa araw na ito mula kay Pastor Rick >>
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hindi mo kayang gawin ang lahat ng ninanais ng Diyos para sa iyo at matupad ang mga layunin kung bakit narito ka sa planetang ito nang walang tulong. Kailangan natin ang isa't-isa, at kabilang tayo sa Katawan ni Cristo! Sa seryeng ito, ipinapaliwang ni Pastor Rick kung paanong mabuhay nang may ugnayan sa ibang tao.
More