Mas Mahusay Kapag Sama-samaHalimbawa
Pag-aralan Kung Paanong Mauunawaan ang Kalagayan ng Iba
Hindi ka kailanman makakapamuhay nang may pagkakasundo sa iyong asawang babae, asawang lalaki, sa iyong mga kaibigan, o sa kanino pa man kung hindi mo nauunawaan ang kalagayan ng iba. Hindi ka makakabuo ng isang pangkat nang hindi mo nalalaman ang nangyayari sa buhay ng bawat isa. Kaya nga kapag ang mga tao ay gumagawang sama-sama sa isang opisina, maaaring gumawa silang magkakasama, ngunit hindi sila isang pangkat kung hindi nila nalalaman ang nangyayari sa buhay ng isa't-isa.
Ang pag-unawa sa kalagayan ng mga tao ay napakahalaga dahil sinasagot nito ang dalawa sa pinakamatinding pangangailangan natin: ang pangunahing pangangailangang maunawaan at ang matinding pangangailangang mapagtibay ang ating mga nararamdaman.
Kung ikaw ay bubuo ng isang pangkat ng iyong mga kaibigan o mga ka-trabaho mo o isang maliit na grupo, kailangang isama mo sa pagbubuo nito ang pag-unawa sa kalagayan ng mga tao. Kaya, paano ka nga ba nagkakaroon ng kaunawaan sa kalagayan ng ibang tao?
1. Magdahan-dahan. Dahil tinuturuan tayo ng kultura nating kumilos nang mabilis, nagiging pahapyaw lamang ang ating mga pakikipag-ugnayan. Nangangahulugan itong nakukuha lamang natin ang mga mahahalagang aspeto ngunit nakakaligtaan natin ang lahat ng uri ng detalye sa buhay ng mga taong pinahahalagahan natin nang lubos. Sinasabi sa Santiago 1:19 na, “Maging alisto kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pagsasalita at huwag agad magagalit” (RTPV05).
2. Magtanong. Sinasabi sa Mga Kawikaan 20:5 na, “Tulad ng tubig na malalim ang isipan ng isang tao, ngunit ito'y matatarok ng isang matalino” (RTPV05). Maraming taong itinatago ang kanilang damdamin, at hindi nila kusang ibinabahagi kung anong nangyayari sa kanila. “Mabuti naman ako” ang karaniwang sagot, ngunit hindi nila talaga sinasabi ang tunay na nararamdaman nila.
Kapag tinanong mo, ”Kumusta ka na” at sinabi ng kausap mo na, “Mabuti naman ako,”narito ang paraan kung paano ka makakakuha ng mas mabisang tugon: Pag-aralan mong ibigay ang iyong katanungan ng dalawang beses. Iyan ang paraan kung paano mong matutunang maunawaan ang kalagayan ng ibang tao. Huminto ka sandali at sabihin, “Hindi, Kumusta ka na talaga?”
Ang isang bagay pa na dapat mong gawin ay ang matutunan mong manatili at maghintay. Nangangahulugan itong hindi ka dapat matakot sa katahimikan. Kailangan mo lang ibigay ang buong pansin mo, magtanong ka, at huwag kang matakot na umupo at maghintay. Huwag ka agad-agad na pumunta sa pakay mo. Makinig ka lamang at matuto.
3. Magpakita ng damdamin. Sinasabi ng Biblia sa Mga Taga-Roma 12:15 na, “Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis” (RTPV05). Ang pag-unawa sa kalagayan ng iba ay higit pa sa pagsasabing, “Ikinalulungkot kong ikaw ay nasaktan.” Ito ay ang pagsasabing, “Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman mo.” Handa kang umiyak kasama sila, at handa kang makigalak kasama sila.Iisa lamang ang paraan kung paanong lubos kang magkakaroon ng kaunawaan sa kanilang kalagayan — manatili kang puspos ng Diyos. Kapag kulang ka sa kapuspusan ng Diyos, hindi mo mauunawaan ang kanilang kalagayan. Kailangan mong manatiling puspos ng Diyos.
“Magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbabá.” (1 Pedro 3:8 RTPV05).
Pakinggan ngayong araw na ito ang audio teaching mula kay Pastor Rick >>
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hindi mo kayang gawin ang lahat ng ninanais ng Diyos para sa iyo at matupad ang mga layunin kung bakit narito ka sa planetang ito nang walang tulong. Kailangan natin ang isa't-isa, at kabilang tayo sa Katawan ni Cristo! Sa seryeng ito, ipinapaliwang ni Pastor Rick kung paanong mabuhay nang may ugnayan sa ibang tao.
More