Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mas Mahusay Kapag Sama-samaHalimbawa

Better Together

ARAW 23 NG 24

Sino ang Paglilingkuran Mo: Ang Diyos o Ang Salapi? 

Sang-ayon ba kayo sa sinasabing nabubuhay tayo ngayon sa isang kultura ng materyalismo? Parang ang nagiging layunin ng tao sa ngayon ay ang makakuha ng higit at higit at higit pa. At sa panahong inaakala mong nakakahabol ka na sa pamumuhay ng mga Joneses, malalaman mong muli silang mangungutang o kaya naman ay magsasabing sila ay bangkarote na. At kung inaakala mong mayroon ka na ng lahat nang kailangan mo, makikita mo ang mga patalastas para sa Pasko, at ipaaalam nito sa iyo ang lahat ng uri ng bagay na hindi mo alam na hindi pala maaaring wala sa buhay mo.

Napakahirap panatilihin ang mga prayoridad mo kapag nabubuhay ka sa isang lipunang ang nangingibabaw ay ang pagkuha. Siya na may pinakamaraming laruan ang mananalo, tama? Hindi! Ang taong may pinakamaraming laruan ay mamamatay pa rin, marami man siyang laruan o wala.

Iisa lamang ang panlunas sa materyalismo: ang pagiging bukas-palad. Sa tuwing ikaw ay bukas-palad, may espirituwal na katagumpayan ka sa iyong puso. Sa tuwing ikaw ay bukas-palad, ang puso mo ay yumayabong. Sa tuwing ikaw ay bukas-palad, winawasak mo ang mahigpit na pagkakahawak ng materyalismo sa buhay mo. Bakit? Dahil ang materyalismo ay tungkol sa pagkuha, pagkuha, pagkuha, pagkuha! Kalikasan mong kumuha at hawakan ito. Sinasabi ng Diyos na sa tuwing ikaw ay bukas-palad, winawasak mo ang matinding pagkakahawak na iyon at nagagapi ang materyalismo sa buhay mo.

Kaya nga, kung ikaw ay isang magulang, kailangang nakikita ng iyong mga anak na ikaw ay nagbibigay. Kailangang makita nila ang pagiging bukas-palad mo, sapagkat hindi nila ito matututunan kahit saan. Tiyaking nakikita nila kayo bilang huwaran ng pagiging bukas-palad upang matutunan din nila ito.

Sinasabi ng Biblia sa Mateo 6:24 na, “Walang aliping makakapaglingkod nang sabay sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan” (RTPV05). Sinasabi nitong “hindi maaari.” Ito ay imposible. Hindi ka maaaring magkaroon ng dalawang nangunguna sa iyong buhay. Kailangan mong pumili kung alin ang magiging una sa buhay mo.

Piliin mo ang pagiging bukas-palad. Babaguhin nito ang relasyon mo sa mga tao at ang relasyon mo sa Diyos. Babaguhin ka nito mula sa loob papalabas habang natututo kang maging bukas-palad tulad ng pagiging bukas-palad ng Diyos sa iyo.

Pakinggan ang audio teaching para sa araw na ito mula kay Pastor Rick >>

Banal na Kasulatan

Araw 22Araw 24

Tungkol sa Gabay na ito

Better Together

Hindi mo kayang gawin ang lahat ng ninanais ng Diyos para sa iyo at matupad ang mga layunin kung bakit narito ka sa planetang ito nang walang tulong. Kailangan natin ang isa't-isa, at kabilang tayo sa Katawan ni Cristo! Sa seryeng ito, ipinapaliwang ni Pastor Rick kung paanong mabuhay nang may ugnayan sa ibang tao.

More

Ang gabay na ito © 2015 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org