Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mas Mahusay Kapag Sama-samaHalimbawa

Better Together

ARAW 16 NG 24

Apat na Kapakinabangan sa Pag-amin ng Iyong Pagkakamali

May isang lihim na sangkap upang maging mas mabilis ang pagtatayo ng isang pamayanan: ang pag-amin ng ating pagkakamali. Ngunit bakit naman ipagsasapalaran ng sinuman ang katapatan? Dahil ito ay karapat-dapat na ipagsapalaran. Sinasabi ng Diyos na may apat na kapakinabangan sa pagiging tapat sa ating mga pagkakamali, mga nararamdaman, mga kasalanan, at mga kinatatakutan.

1. Emosyonal na Kagalingan Sinasabi ng Biblia sa Santiago 5:16 na, “Ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling” (RTPV05).

May malaking kaibahan ang kapatawaran at ang emosyonal na kagalingan. Kung kailangan mo ng kapatawaran para sa kung anumang bagay sa iyong buhay, ang kailangan mo lamang gawin ay ang aminin ito sa Diyos. Ang emosyonal na kagalingan ay nakakamit sa pag-amin mo sa ibang tao.

2. Isang Bagong Panimula Sinasabi sa Mga Kawikaan 28:13 na, “Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti, ngunit kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi.”

Isa sa mga bagay na maaari mong gawin na lubos na makakatulong sa maliit na grupo mo ay ang tulungan mo ang mga taong patawarin ang kanilang sarili. Maraming taong nangangailangang may magsasabi sa kanila na, “Inamin mo na ito sa Diyos? Kung ganoon, ikaw ay pinatawad na. Ikinumpisal mo na? Kung ganoon ay pinatawad ka na. Bitawan mo na ito.”

3. Ang Kapangyarihan ng Diyos na Magdala ng Pagbabago Magpakumbabá kayo sa harapan ng Panginoon at itataas niya kayo.” (Santiago 4:10 RTPV05).

Paano ito nangyayari? Sinasabi ng Biblia na sinasaway ng Diyos ang mapagmataas, ngunit ang biyaya ay ibinibigay Niya sa may mababang kalooban. Ang biyaya ng Diyos ang kapangyarihang nagdadala ng pagbabago. Kapag nakamit mo ang biyaya ng Diyos, maaari mong baguhin ang mga bagay na noon mo pang ninanais baguhin sa buhay mo. Ngunit dumarating lang ito sa pamamagitan ng kababaang-loob, at ang kababaang-loob ay dumarating sa pamamagitan ng katapatan.

4. Mas Malalim na Pagsasamahan Sinasabi ng Biblia na, “ Kung namumuhay tayo ayon sa liwanag— gaya ng pananatili Niya sa liwanag — tayo'y nagkakaisa” (1Juan1:7 RTPV05).

Iniisip natin na kapag hindi natin itinatago ang ating mga kinatatakutan, kabagabagan, kasiraan, at mga lihim na kamalian, magiging mababa ang pagtingin ng mga tao sa atin. Ang kabaligtaran nito ang totoo! Ang katotohanan ay habang nagiging mas tapat ka, mas lalo kang magugustuhan ng mga tao at nanaisin nilang makasama ka.

Marami sa inyo ang napagtanto nang, “Ang buhay ko ay magulo. Napakarami kong kabagabagan sa aking buhay, mga maling gawi, masamang pagtugon, at mga relasyong hindi maganda. Hindi ko kayang aminin ang lahat ng mga pangit na bagay na ito sa buhay ko.”

Nais ng Diyos na palitan ang mga kirot na nararamdaman mo at ito ay pagalingin. Pagkatapos ay nais Niyang gamitin ka sa buhay ng ibang tao. Hinihintay lamang Niyang sumuko ka.

Pakinggan ngayong araw na ito ang audio teaching mula kay Pastor Rick>>

Araw 15Araw 17

Tungkol sa Gabay na ito

Better Together

Hindi mo kayang gawin ang lahat ng ninanais ng Diyos para sa iyo at matupad ang mga layunin kung bakit narito ka sa planetang ito nang walang tulong. Kailangan natin ang isa't-isa, at kabilang tayo sa Katawan ni Cristo! Sa seryeng ito, ipinapaliwang ni Pastor Rick kung paanong mabuhay nang may ugnayan sa ibang tao.

More

Ang gabay na ito © 2015 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org