Paghahanap ng KapayapaanHalimbawa
Ang Pundasyon ng Lahat ng Kapayapaan
Bago ako magsalita sa isang kaganapan kamakailan lang, ako at ang isang kawani ay masayang kumakain sa West Coast. Habang ang batang serbidora ay nagsisilbi sa aming mesa, tinanong ko siya: "Kung maaari mong hilingin sa Diyos ang anumang bagay sa iyong buhay, ano ang hihilingin mong gawin Niya para sa iyo?"
Walang pag-aatubili, sumagot siya: "Hihingi ako ng kapayapaan."
Tumulo ang isang luha sa kanyang pisngi habang ibinabahagi niya sa amin ang pagkamatay ng kanyang minamahal na lola iilang araw pa lamang ang nakalipas.
Habang siya ay nagkukuwento, nalaman ko na walang sinuman sa kanyang pamilya ang naniniwala sa Diyos — pati na rin siya. Hindi niya sinasadyang tanggihan Siya. Ang alam lamang niya ay may malalim na pagkabalisa sa kanyang kalooban, ngunit wala siyang pang-unawa kung paano lulutasin ang kanyang hindi mapalagay na kalooban, o kahit na kung ano ang pinang-uugatan nito. Gaya ng maraming tao, siya ay nabubuhay araw-araw, ngunit walang layunin o kahulugan sa kanyang buhay.
Ang kabataang ito ay kumakatawan sa napakaraming tao sa ating lipunan ngayon—kumikilos nang wala sa loob, nagsusumikap na tustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan, naghahanap ng paraan kung saan tila walang paraan, at sinisikap na bigyang-kahulugan ang lahat.
Kadalasan, tila walang sapat na kasagutan sa ating problema bilang tao—lalo na sa tanong kung bakit nararamdaman nating tayo ay walang kabuluhan, walang saysay, at walang kapayapaan. Bukod dito, tila walang kasiya-siyang dahilan para patuloy magsumikap ibigay ang lahat ng ating makakaya at patuloy na pagdusahan ang mga paghihirap sa buhay.
Ang batang serbidora na naglingkod sa amin ay ipinaliwanag ang suliranin sa pamamagitan ng pagsasabing, "Kailangan ko ng kapayapaan." Sasabihin ng iba, "Malungkot ako." Sasabihin ng ilan, "Kung mamahalin lang ako ng asawa ko tulad ng nararapat, magiging masaya ako." Magkakaiba ngunit ang lahat ay iisa ang pahiwatig: "May mali ... Hindi ako masaya. Wala akong kapayapaan. Ano ang mali sa akin?"
Ang maraming biktima ng mensahe ng ating sekular na lipunan ay nakakaranas ng kahungkagang ito at hindi nila itinuturing na ang problema nila ay may kaugnayan sa Diyos. Madalas tayong pinauulanan ng mga sinasabi ng lipunan: Kung mas payat ka lang, mas nasa uso ang iyong pananamit, may kotseng Jaguar, nakatira sa mas maayos na bahagi ng bayan, mas maraming kinikitang pera …"tuluy-tuloy ang listahang ito. Ngunit wala sa anumang mga kasagutang sinasabi sa itaas ang kasagutan sa ating mga problema o alinman sa daan-daang iba pa na ibinibigay sa atin ang lubos at palagiang makapagbibigay ng lubos na hinahangad natin
Tama ang batang serbidora: Karamihan sa atin ay nararamdamang kinakailangan natin ng higit pa—at ang salitang sumasaklaw nang lubos at naglalarawan dito ay kapayapaan.
At bilang isang pastor nang higit sa anim na dekada, masasabi ko sa iyo na hanggang sa magkaroon ka ng kapayapaan sa Diyos, hindi ka makakaranas ng tunay na kapayapaan sa buhay na ito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nais mo bang magkaroon ng higit pang kapayapaan sa iyong buhay? Nais mo bang maging higit pa sa kahilingan lamang ang kapanatagan? Maaari mong makamtan ang tunay na kapayapaan ngunit mula lamang sa isang bukal -- Ang Diyos. Samahan si Dr. Charles Stanley habang ipinapakita niya sa iyo ang paraan tungo sa nakapagpapabagong-buhay na kapanatagan ng loob, na magbibigay sa iyo ng mga kasangkapan upang lutasin ang mga nakaraang pagsisisi, harapin ang mga kasalukuyang suliranin, at pawiin ang mga agam-agam tungkol sa hinaharap.
More