Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng KapayapaanHalimbawa

Finding Peace

ARAW 4 NG 17

5 Mahahalagang Paniniwala para sa isang Payapang Puso

Kung ikaw ay isang Cristiano, ang Diyos lamang ang tagapamahala ng iyong buhay. Siya ang iyong seguridad. At hindi Siya kailanman nawalan ng kapangyarihan sa Kanyang mga nilikha kahit saglit mula pa noong simula ng panahon. Hindi siya kailanman nawalan ng kahit isang sukat ng Kanyang kapangyarihan o lakas. Siya ay makapangyarihan sa lahat, alam ang lahat, naroon sa lahat ng dako, at mapagmahal ngayon at simula pa noong bago nalikha ang tao. 

Bagamat hindi natin laging maunawaan ang Kanyang mga layunin, ang pag-unawa sa mga daan ng Diyos ay laging hahantong sa isang pag-unawa na Siya ay kikilos sa isang paraan na magdadala ng walang hanggang pagpapala para sa Kanyang mga anak. Sa paglipas ng mga taon, natuklasan ko ang limang mahahalagang paniniwala para sa isang mapayapang puso. Hinahamon kitang tingnan nang mabuti kung ano ang iyong paniniwala patungkol sa Diyos. Ang iyong kapayapaan ay natutukoy sa antas kung saan ang mga katotohanang ito ay nakatanim sa iyong kaluluwa.

Unang Paniniwala: Ang Diyos ay ganap na makapangyarihan
Ang pagkilala at pagtanggap sa katotohanang ang Diyos ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay ay mahalaga para sa iyong panloob na kapayapaan. Nangangahulugan ito na walang anumang bagay na kaugnay sa iyo ang makakalampas sa Kanyang mga matang nagbabantay at pangangalagang lubos na mapagmahal. (Mga Taga-Col. 1:17)
Pangalawang Paniniwala: Ang Diyos ang iyong tagapagtustos.
Mula sa simula hanggang sa dulo, ang Biblia ay may malinaw na mensahe na ang Diyos ang Siyang nagbibigay ng lahat ng iyong mga pangangailangan. Walang pangangailangang napakalaki, napakahirap, o mabigat para hindi matugunan ni Jesus. Sinasabi sa atin ng Biblia, "Ang mga naghahanap sa Panginoon ay hindi magkukulang ng anumang mabubuting bagay" ( Mga Awit 34:10).
Pangatlong Paniniwala: Nilikha ka ng Diyos sa kung ano ka para sa isang layunin.
Maraming mga bagay sa iyong buhay kung saan wala kang kontrol. Tanggapin ang mga bagay na ito bilang bahagi ng paglikha sa iyo ng Diyos. Ang iyong lahi, kultura, wika, nasyonalidad, kasarian, at mga katangian ng iyong pisikal na pagkatao ay "pinili" ng Diyos. Pinagkalooban ka rin Niya ng mga talento, kakayahan, talino, personalidad, at mga espirituwal na regalo, sa kabuuan, ay ginawa ka Niyang isang natatanging tao sa mundong ito upang matupad ang Kanyang mga plano para sa iyo. (Mga Awit 139: 13-16)
Pang-apat na Paniniwala: Ang Diyos ay may isang itinakdang lugar kung saan ka tunay na nabibilang.
Nilikha ka ng Diyos para sa Kanyang sarili at upang makisalamuha sa iba pa. Magtiwala kang tutulungan ka Niyang magkaroon ng damdaming ikaw ay nabibilang sa Kanya at pagkakalooban ka Niya ng isang "pamilya" ng kapwa mananampalataya kung saan ka kabilang. Kung gayon, habang lumalago ka sa Kanya, tumulong sa iba. (1 Ped. 2: 9).
Panlimang Paniniwala: May plano ang Diyos para sa iyong kabuuan.
Para sa tunay na pangkaloobang kapayapaan, kailangang malaman ng isang tao na siya ay may kakayahan, maaasahan, may abilidad, at may kasanayan upang gawin ang isang bagay. Magkakaroon ka ng isang magandang pakiramdam ng kapayapaan kung alam mong may kakayahan kang mailagay sa isang mahusay na pagganap o paggawa ng isang mahusay na gawain. (Mga Taga-Efe. 2:10)

Kung iyong tatanggapin ang limang mahahalagang paniniwala sa iyong buong pagkatao at magtitiwala ka na ang Diyos ay kumikilos sa iyo at sa iyong kapakanan, ang panloob na kapayapaan ay tunay na mapapasaiyo.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Peace

Nais mo bang magkaroon ng higit pang kapayapaan sa iyong buhay? Nais mo bang maging higit pa sa kahilingan lamang ang kapanatagan? Maaari mong makamtan ang tunay na kapayapaan ngunit mula lamang sa isang bukal -- Ang Diyos. Samahan si Dr. Charles Stanley habang ipinapakita niya sa iyo ang paraan tungo sa nakapagpapabagong-buhay na kapanatagan ng loob, na magbibigay sa iyo ng mga kasangkapan upang lutasin ang mga nakaraang pagsisisi, harapin ang mga kasalukuyang suliranin, at pawiin ang mga agam-agam tungkol sa hinaharap.

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://intouch.cc/peace-yv