Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng KapayapaanHalimbawa

Finding Peace

ARAW 3 NG 17

Bakit Nawawala ang Kapayapaan Natin

Mayroon lamang isang paraan upang maranasan ang namamalaging kapayapaan sa kabila ng mga pangyayari — sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang pananampalataya ang pundasyon upang mamuhay sa kapayapaan ng Diyos — isang aktibo at nananalig na pagtitiwala sa Kanyang presensya at kapangyarihang kumatig at magbigay ng kaginhawaan sa iyo, kahit na ano ang iyong kinakaharap. Gayunman, may ilang mga isyu na maaaring magpahina sa ating pananampalataya at magnakaw ng ating kapayapaan. Isaalang-alang natin ang ilan sa mga ito:

1. Biglaang Takot—Mayroong ilang mga tao na nakasanayang tumugon sa bawat maliit na pag-akyat-taas ng buhay nang may takot at pagkagitla na hindi nila naiisip na mayroong ibang paraan upang tumugon. Lubha silang nagagalit sa lahat ng uri ng pagbabago na hindi nila napagtatanto na maaaring mabuhay nang may higit na emosyonal na katatagan.
2. Ang Kaaway—Maaari tayong atakihin ng ating kaaway, ang diyablo, na maaaring gumamit ng iba't ibang paraan upang tayo ay mag-alinlangan at mawalan ng pananampalataya sa ating Diyos. Ngunit dapat natin siyang harapin. Hinihimok tayo ng Banal na Kasulatan na labanan ang diyablo, at kapag ginawa natin ito, tatakas siya mula sa atin (Santiago 4:7). 
3. Kasalanan—Ang kapayapaan at paghihimagsik ay hindi maaaring magsama. Ang tanging nararapat na gawin ay ang pagtatapat ng kasalanan sa Diyos, pagsuko sa Kanya, at paghingi ng tulong sa Kanya upang tumalikod at labanan ang lahat ng tukso. Pagkatapos, ang kapayapaan ng Diyos ay maaaring dumaloy muli. 
4. Pagsuko sa Kapayapaan—Sa oras ng krisis, minsan ay tayo mismo ang kusang sumusuko sa ating kapayapaan. Isinasantabi natin ito. Itinatapon. Pinababayaan. Laging tandaan na walang makakakuha ng ating kapayapaan mula sa atin; kailangan nating isuko ito. At kung gayon, tayo lamang ang makakabawi nito.
5. Pagkawala ng Atensyon—Maari nating pahintulutan ang hindi mabilang na masasamang balita na naririnig at nababasa natin araw-araw upang maging sanhi ng pagkawala ng ating tamang pokus. Sa halip na ang ating isipan ay nakatuon sa Diyos at nagtitiwala sa Kanya para sa Kanyang kapayapaan at presensya, hinahayaan natin ang ating mga saloobin na lumihis at mapukaw ng mga negatibong balita at pangyayari na nakikita at naririnig natin. 

Sapagkat ang Diyos ay kasama natin, hindi natin kailangang bumigay, mapailaliman, o matalo sa ating kaguluhan. Maaari nating harapin, hamunin, tugunan, at sa huli ay lupigin sila sa kapangyarihan ng krus. Itinuro ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod na ang lahat ng mga problema ay lumilipas sa likas na panahon … at dahilan. Kaya't "huwag hayaang mag-alala ang iyong puso" (Juan 14:27). Manatili sa kapayapaang ibinibigay ng Diyos, nang may pagtitiwala na tinitingnan, pinapatnubayan, at pinangalagaan niya ang mga nagtitiwala at naniniwala sa Kanya.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Peace

Nais mo bang magkaroon ng higit pang kapayapaan sa iyong buhay? Nais mo bang maging higit pa sa kahilingan lamang ang kapanatagan? Maaari mong makamtan ang tunay na kapayapaan ngunit mula lamang sa isang bukal -- Ang Diyos. Samahan si Dr. Charles Stanley habang ipinapakita niya sa iyo ang paraan tungo sa nakapagpapabagong-buhay na kapanatagan ng loob, na magbibigay sa iyo ng mga kasangkapan upang lutasin ang mga nakaraang pagsisisi, harapin ang mga kasalukuyang suliranin, at pawiin ang mga agam-agam tungkol sa hinaharap.

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://intouch.cc/peace-yv