Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng KapayapaanHalimbawa

Finding Peace

ARAW 2 NG 17

Ang Kapayapaan na Ibinibigay ng Diyos

Kung ikaw ay isang mag-aaral ng Biblia, sigurado akong napansin mo na ang pananaw ng Diyos ay madalas na ibinibigay sa anyo ng paghahambing at pagkakaiba. Halimbawa, madalas niyang pinaghahambing ang mayaman at mahirap, marunong at mangmang, kadiliman at liwanag, at patungkol sa ating paksa, ang kapayapaan na nagmumula sa Diyos kumpara sa kapayapaan na matatagpuan sa mundong ito. Sinabi ni Jesus, "Ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa iyo; hindi gaya ng ibinibigay ng mundo… ” (Juan 14:27).

Malinaw na sinasabi ng Guro na ang kapayapaang ibinigay Niya sa Kanyang mga tagasunod ay naiiba sa kapayapaan na kanilang matatagpuan sa mundo. Nang tinukoy ni Jesus ang "mundo," tinutukoy Niya ang lipunan at kultura kung saan tayo nabubuhay.

Naranasan mo na ba ang dagat na nababagabag? Naranasan ko na ang mga bagyo sa dagat sa maraming okasyon at sa totoo, hindi ko nais na ulitin ito! Sa pagsilakbo sa dagat, maaaring umabot ang hangin ng 40, 60, 100 milya bawat oras, na may kaakibat na pagbuhos ng ulan, kidlat, kulog, at malalim na kadiliman. Ang mga alon ay maaaring tumaas sa 20, 30, kahit na 50 talampakan ang taas. Ang isang barko sa naturang bagyo ay maaaring ibagsak tulad ng isang laruang bangka. Madali para sa isang barko na mawala sa naturang mga bagyo. Ngunit sa ilalim ng lahat ng ito, 100 talampakan pababa, walang bagyo. Lahat ay purong katahimikan. Walang tunog. Walang kaguluhan. Walang kahit mumunting alon ng kaguluhan.

Ang kamangha-manghang katotohanang ito ang nagpapaisip sa akin sa kapayapaan ng Diyos. Nagbibigay ito sa akin ng pahiwatig sa tinutukoy ng ating Panginoon nang ipinangako Niya sa Kanyang mga alagad ang Kanyang kapayapaan. Sinabi Niya sa kanilang sapagkat sila ay Kanyang mga tagasunod, magkakaroon sila ng problema sa mundong ito. Sa katunayan, iminungkahi Niya na ang ilan sa kanila ay inuusig dahil sila ay Kanyang mga alagad. Ngunit sa kabila nito, ipinangako Niya na hindi Niya iiwan ang mga sumusunod sa Kanya, at ang Kanyang patuloy na presensya ay ang paraan upang kanilang maranasan ang Kanyang kapayapaan.

Kapag ang mga takot, pagkabalisa, at mga problema ay yumayanig sa iyong buhay, hanapin ang mga sumusunod na palatandaan ng kapayapaan ng Diyos …

· Nangingibabaw sa mga pangyayari. Kadalasan, ang kapayapaan ay mas madaling makita at madama sa gitna ng pagsubok at gulo. Ngunit anuman ang nararanasan mo, alamin ito: Ang Diyos ang iyong kapayapaan. Ilagay ang iyong pananalig sa Kanya.
· Hinihigitan ang pag-unawa. Ang kapayapaan ng Diyos ay hindi isang bagay na lagi nating maiintindihan. Ngunit ito ay magagamit natin — higit pa sa ating kakayahang maunawaan ito. 
· Umaabot sa lahat ng Kanyang mga tagasunod. Ang kapayapaan ng Diyos ay sumasakop sa bawat taong tumanggap kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas, tumalikod sa kanilang kasalanan, at iniaalay ang buhay sa pagsunod ng patnubay ng Salita ng Diyos at ng Espiritu Santo.
· Isang matatag na estado ng pagkatao. Sa mahirap na mga kalagayan ng buhay, ang Banal na Espiritu ay naririto upang tumulong. Ang kapayapaan—malalim, tunay, bigay ng Diyos na kapayapaan—ay maaaring maging "pamantayan" ng iyong pamumuhay araw-araw.

Habang patuloy ka sa paglalakbay ng buhay, magtiwala at maniwala na ang hangarin ng Diyos para sa iyo ay makaramdam ng isang matatag na kapayapaan sa lahat ng oras—isang kapayapaan na sinasamahan ng kagalakan at pagkabatid ng iyong layunin sa bawat aspeto ng iyong buhay.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Peace

Nais mo bang magkaroon ng higit pang kapayapaan sa iyong buhay? Nais mo bang maging higit pa sa kahilingan lamang ang kapanatagan? Maaari mong makamtan ang tunay na kapayapaan ngunit mula lamang sa isang bukal -- Ang Diyos. Samahan si Dr. Charles Stanley habang ipinapakita niya sa iyo ang paraan tungo sa nakapagpapabagong-buhay na kapanatagan ng loob, na magbibigay sa iyo ng mga kasangkapan upang lutasin ang mga nakaraang pagsisisi, harapin ang mga kasalukuyang suliranin, at pawiin ang mga agam-agam tungkol sa hinaharap.

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://intouch.cc/peace-yv