Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 28 NG 280

"KILALANIN ANG IYONG MGA ANAK"

Ang siping ito ay tungkol sa mga paghihirap ni Hagar, alipin ni Sara. Hindi mabuntis si Sara kaya pinapunta niya si Hagar kay Abraham sa pag-asang magka-anak ito para sa kanya. Ngunit nang mabuntis si Hagar, poot ang umiral sa dalawang babaeng ito. Dahil sa pagmamaltrato ni Sara, tumakas si Hagar patungo sa disyerto. Doon namagitan ang Diyos at pinalakas ang loob ni Hagar. Nabatid ni Hagar na tunay na naunawaan Niya ang kanyang paghihirap, at dahil dito naramdamang totoong-totoong kilala siya ng Diyos. Binansagan pa niya ang Diyos na: "Diyos na Buháy at Nakakakita sa Akin.” Ito ang nagpalakas sa kanyang loob na bumalik at tuparin ang mga responsibildad kay Sara mahirap man ang kalagayan.

Tulad ni Hagar, matindi ang pananabik ng ating mga anak na makita at makilala natin sila. Paano natin ito gagawin? Sa pag-uukol na panahon na tuklasin at ipagbunyi ang kanilang mga hilig. Sa pagpapahalaga ng kanilang mga walang-katulad na katangian, naiiba man sa atin. Sa pakikinig sa kanilang pananaw sa buhay.

Kapag tinutuklas at pinapahalagahan natin ang mga walang-katulad na katangiang taglay ng ating mga anak mula sa Diyos, nararamdaman nilang sila ay kinikilala at tinatanggap.

Banal na Kasulatan

Araw 27Araw 29

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com