Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 33 NG 280

TOTOONG HALAGA

May takot ang mga komadronang Hebreo sa Diyos at hindi nila sinunod ang utos ng hari. Kapansin-pansin na binabanggit sa Biblia ang mga pangalan ng mga komadrona, ngunit hindi ang sa hari ng Egipto. Sa pamantayan ng mundo, ito ay walang kahulugan. Labis na mas "mahalaga" ang mga hari ng Egipto kaysa mga komadronang Hebreo. Ngunit ang mga taong pinahahalagahan sa daigdig ay hindi palaging nangangahulugang may angking katangian na ipinagbubunyi ng Diyos.

Napakadaling panabikan ang pagpapahalaga, magandang katayuan, at kasikatan para sa ating mga anak. Natutukso tayong makiayon sa depinisyon ng kasalukuyang kultura ng "tagumpay." Ang plano ng Diyos sa buhay ng ating mga anak ay maaaring hindi magdala ng kasikatan sa mundo. Gayunpaman, marapat tayong magalak dahil wala nang mas dakilang pagpapala kaysa makapagpalaki ng mga anak na tapat sa tawag sa buhay nila.

Hinihimok mo ba ang iyong mga anak na maging makabuluhan para sa mundo, o para sa Diyos?

Banal na Kasulatan

Araw 32Araw 34

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com