Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

MGA LIKUAN
Hindi dinala ng Panginoon ang mga Israelita sa isang tuwid na daan mula sa Egipto patungo sa Lupang Pangako. Sa halip, pinili Niya ang isang daan na umiwas sa mga balakid at hinamon sila upang suriin nila ang kanilang mga puso. Sa ating pinagdadaanan bilang mga magulang, dinadala tayo minsan ng Diyos sa mga likuan na para bang walang pakinabang. Samantalang may magandang kasaysayan tayong nakasulat para sa buhay ng ating mga anak, madalas ay hindi kasama rito ang mga sakit at kahirapan. Hindi natin maiiwasan na sa kasaysayan ng Diyos para sa buhay natin, dadalhin Niya tayo sa mga lugar na hindi natin pipiliin kung tayo ang magpapasya, subalit ito ang mga daan kung saan malilinang ang kahustuhan natin sa pag-iisip, ang ating dangal, at ang ating pagtitiyaga.
Kapag ikaw ay nasa kalagitnaan sa isa sa mga likuang ito, hamunin mo ang iyong sariling magkaroon din ng walang hanggang pananaw tulad ng Diyos. Ginagawa Niya ang iyong mga anak na maging mas katulad Niya.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com