Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 39 NG 280

PAGHARAP SA KASUWAILAN

Ano ang pumipigil sa inyong ituloy ang mga kinahinatnan kapag nagkasala o tahasang sumuway ang inyong mga anak? Iniwasan ko ang paghahain ng mga parusa dahil ayokong marinig ang mga galit na tugon tulad ng: "Relaks ka lang, Ma!" "Ang lupit mo." O, "Gagawin ko mamaya." Sinubukan kong mangatwiran sa kanila, ngunit madalas ako ang napapasama. Sinubukan kong ipaglaban sa kanila ang aking punto, ngunit mas marami akong sinasabi, tila mas nagagalit pa sila. Nagtatago ako sa likod ng mga salita (nangungulit, nagpapaalala, at nakikipagtalo) para lang maiwasan ang paghahain ng mga parusa.

Kapag galit ang naging tugon sa paghahain mo ng mga konsikuwensiya, huwag nang palalain ang sitwasyon sa pamamagitan ng pangungulit at pagsagot nang galit. Madali lang magsalita. Maaari mong isipin na ikaw ay "malakas" kapag naipaglalaban mo nang mahusay ang iyong punto o nakakagawa ka ng mga mala-diktador na kautusan, ngunit ang totoo, kailangan ng mas ibayong lakas upang pigilan ang iyong dila at kalmadong maghain ng mga konsikuwensiya nang may pang-unawa. Iyan ang modelo ng totoong lakas.

Harapin nang kalamado ang kasuwailan at maghain ng mga konsikuwensiya, imbis na mga salita.

Banal na Kasulatan

Araw 38Araw 40

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com