Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa
![Parenting by Design Daily Devotional](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F128%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
PAGPAPAKUMBABA
Iilang mga bagay lang ang mas mapanira sa pakikiniig sa Diyos kaysa sa pagmamataas. Marami sa atin ang nagsasabing dumedepende tayo sa Kanya, ngunit namumuhay na nakadepende sa sarili. Ang ating paraan ng pagtugon sa mga tagumpay at kabiguan ay makapangyarihang patotoo sa ating mga anak.
Kapag tumataas ang pagtaya sa iyong sarili kasabay ng tagumpay, inaangkin mo ang karangalan para sa positibong resulta. Kaya lang, ang huling nagdedetermina ng mga resulta ay ang Diyos, hindi tayo. Sa Kanyang soberanyang karunungan, ginagamit Niya ang parehong mabubuti at hindi mabubuting karanasan upang mapangyari ang Kanyang plano. Kapag naunawaan natin ito, magkakaroon tayo ng mas magandang perspektibo ng tagumpay at kabiguan. Ang mga talento natin ay mga kaloob mula sa Diyos, at bagamat tinatawag Niya tayong gamitin ang mga ito sa Kanyang ikaluluwalhati, ang resulta ay sa Kanya.
Imodelo ang pagpapakumbaba sa iyong mga tagumpay at iyong mga kabiguan.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Parenting by Design Daily Devotional](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F128%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com