Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa
![Parenting by Design Daily Devotional](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F128%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
PAGTITIWALA AT PANGAMBA
Sinabi ng Diyos ang mga ito kay Joshua habang siya ay naghahanda para sa labanan, ngunit ang mga ito ay maaari pa ring mailapat sa ating pang-araw araw na buhay. Ang susi sa pagtatagumpay sa pangamba sa trabaho, sa ating mga relasyon, o sa pagiging magulang, ay pagtitiwala sa Diyos. Sinumang nagpapalaki ng isang musmos na dalawang taong gulang o teenager ay alam ang pakiramdam ng matinding takot o ang panghinaan ng loob! At, hindi hinihiling ng Diyos na lakasan natin ang ating mga kalooban — iniuutos Niya ito.
Paano tayo magkakaroon ng pananampalataya na kayang lampasan ang pangamba — pangambang ang mga anak natin ay masaktan o masaktan ng ibang tao, malulong sa ipinagbabawal na gamot, gumawa ng mga desisyong sekswal na hindi nararapat, o hindi kilalanin ang Diyos? Ang pagtitiwala sa Diyos ay lalong napagtitibay habang patuloy nating sinusunod ang Kanyang Salita at nararanasan ang Kanyang pagmamahal. Maaaring hindi natin mabatid ang layunin ng Diyos sa maraming kaganapan sa buhay natin, ngunit makakamit natin ang kapayapaang nagmumula sa pagkakilala sa Kanya.
Pinagtatagumpayan ng pagtitiwala sa Diyos ang mga pangambang kaakibat ng pagiging isang magulang.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Parenting by Design Daily Devotional](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F128%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com