Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 45 NG 280

BITIWAN ANG KONTROL

Hindi ipinagpipilit ng Diyos ang sarili Niya sa atin. Kahit na malaki ang nakasalalay, binibigyang-laya pa rin Niya tayong mamili na sumunod o sumuway. Tiyak na nadudurog ang puso Niya kapag pinipili ng Kanyang mga anak ang kamatayan kaysa sa buhay.

Nauunawaan natin ito lalo kapag nasasaksihan ang ating mga anak na pumipili ng nakakasira sa sarili nila para lang sa panandaliang kasiyahan. Sabik ang bawat magulang na piliin ng kanyang mga anak ang "buhay". Ang ating halimbawa at pamamaraan ng pagiging magulang ay may napakalaking impluwensiya sa ating mga anak, ngunit hindi tayo mabibigyan nito ng pangkalahatang kontrol. Sa kabila ng ating pinakamasigasig na pagsisikap, kailangan nating tanggapin na hindi natin kayang bigyan ng matalik na relasyon sa Diyos ang ating mga anak. Iyan ay isang bagay na kailangan nilang piliin para sa kanilang sarili.

Walang garantiya na ang mainam na pagiging magulang ay magbibigay ng magandang resulta. Para diyan, kailangan nating magtiwala sa Diyos.

Banal na Kasulatan

Araw 44Araw 46

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com