Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 47 NG 280

MGA KUWENTO NG PAG-ALAALA.

Ang bantayog ng labindalawang bato ay dakilang paalala ng kagandahang-loob at kapangyarihan ng Diyos. Kapag nakikita ito ng mga batang Israelita, naririnig nila ang kuwento at natututo tungkol sa Diyos. Napanatili din nitong sariwa sa isip ng kanilang mga magulang ang katapatan ng Diyos.

Lahat tayo ay may mga alaala ng mga sinagot na panalangin at pagkilos ng Diyos sa ating buhay. Gaano kadalas ninyo ibinabahagi ang mga kuwentong ito sa inyong mga anak? Kapag nahaharap sa pagsubok, mas madaling bigyang-daan ang takot kaysa balikan kung paano pinunan ng Diyos ang pangangailangan natin noon. Tuwing mararanasan mo ang kagandahang-loob ng Diyos, gawan ng bantayog ang okasyon sa iyong isip (baka gusto mo pang isulat). Ang mga ito ay iyong mga kuwento ng pag-alaala.

Handugan ng tibay at pagpalakas ng loob ang inyong mga anak sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kuwento ng katapatan ng Diyos.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com