Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 51 NG 280

ANG KAPANGYARIHAN NG BANAL NA ESPIRITU

Nang ang natira sa mga Hudyo ay bumalik sa Jerusalem mula sa pagkakabihag sa Babilonia, sinikap nilang muling itayo ang templo, ngunit nasiraan sila ng loob. Wala silang lakas militar ni kapangyarihang pisikal na kailangan upang maisagawa ang trabaho. Subalit ipinaalala sa kanila ng Diyos na hindi lakas ng tao o kapangyarihan ang kailangan upang maisagawa ang Kanyang kalooban; ang kailangan ay ang Banal na Espiritu. Sa paghihikayat na ito, natapos ni Zerubbabel at ng mga tao ang templo.

Ang kultura natin ay nagsasabing kailangang may salapi, kapangyarihan, kagandahan o katanyagan tayo upang maging matagumpay. Subalit kadalasan ang Diyos ay gumagawa sa pamamagitan ng maliliit at mahihina upang maisagawa ang Kanyang mga layunin. Hinihingi Niya sa atin na umasa sa Kanyang kalakasan, at hindi sa atin. Kapag niyayakap natin ang ating kahinaan, matatanggap natin ang Kanyang kalakasan.

Ang kalakasan sa pagiging magulang ay nanggagaling sa pag-asa sa kapangyarihan ng Diyos at hindi sa atin.

Banal na Kasulatan

Araw 50Araw 52

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com