Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa
![Parenting by Design Daily Devotional](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F128%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
MALAMAN AT MAKILALA
Anong hinahanap natin mula sa ating mga anak? Kung minsan, humahanap tayo ng patunay mula sa kanilang mga nakakamit na tagumpay. Masarap sa pakiramdam na maging magulang ng isang batang labis ang nakakamit na tagumpay. Gayunpaman, sa dakong huli kung ang hinahanap natin ay ang patunay sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, hinahangad natin kung ano ang sa kanila. Sa halip, sila dapat ang hinahanap natin. Walang pananagutan ang ating mga anak para sa ating kapakanan; pananagutan natin ang kanilang kapakanan.
Pag-isipan mo ang iyong relasyon sa iyong Ama sa langit. Hindi kailangan ng Diyos ang iyong pagsasagawa; tanging ikaw ang gusto Niya. Ang kilalanin ng Diyos sa kabila ng marami nating kamalian at kabiguan ay ang pinakamalaking gantimpala (tingnan ang Mat.7:23). Wala itong kaibahan sa ating mga anak. Nananabik silang makilala mo ayon sa sarili nilang katangian, at hindi sa kakayahan nilang gumawa. Upang gawing huwaran ang ganitong uri ng pag-ibig para sa iyong mga anak ay ang gawing huwaran ang pag-ibig ng Diyos para sa atin.
Hangarin mong "makilala" ang iyong mga anak ayon sa pagkakagawa sa kanila ng Diyos.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Parenting by Design Daily Devotional](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F128%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com