Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 57 NG 280

ITUON ANG MATA SA LANGIT

Sa ating pagmamagulang ang kawalan ng kasiyahan sa kung ano ang meron at ang kayabangan ay magbubunyag kung paano tayo nabibighani ng "mga bagay na panlupa." Maaari tayo makipagpaligsahan kapag ihinahambing ang ating mga anak sa ibang bata. Pakiramdam natin napapatunayan ang ating galing kapag ang anak natin ay magaling sa isports o napakahusay sa eskuwela, ngunit sumasama ang loob kapag hindi sila napapansin o wala silang gana sa mga gawain. Napapagaya tayo sa mga pagpapahalaga ng ibang mga magulang.

Paano natin maitutuon ang ating mga mata sa mga makalangit na bagay? Simulan ang araw sa pagpupuri sa Diyos. Hingin sa Kanyang isiwalat sa iyo ang iyong mga tunay na motibasyon. Kilalanin kung saan pagsang-ayon ng iba kaysa pagsang-ayon ng Diyos ang hinahanap mo. Hanapin ang karungungan ng Diyos sa pamamagitan ng pag-aaral ng Biblia at panalangin. Ang Diyos ang nagbibigay ng mga tulong at gabay, ngunit "ang mga bagay sa langit ang sinasaisip" natin kapag isinasangkap natin ang mga ito sa ating pagmamagulang.

Sadyaing pagsikapan sa bawat araw na ituon ang mata sa mga bagay na mahalaga sa magpasawalang-hanggan.

Banal na Kasulatan

Araw 56Araw 58

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com