Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa
![Parenting by Design Daily Devotional](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F128%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
TAGGUTOM
Sa bantog na kuwento ng alibughang anak na lalaki, serye ng mga pangyayari ang kinailangan upang napag-isip-isip ng suwail na anak ang kanyang pagkakamali at magpasiyang bumalik sa kanyang pamilya nang may pagsisisi. Naubusan siya ng pera, iniwan ng kanyang mga "kuno-kunong" kaibigan, at nakaranas ng taggutom. Nalagay siya sa trabaho sa isang babuyan, halos kainin na maging ang mga walang-kuwentang bungangkahoy na kinakain ng mga baboy. Sumasang-ayon tayo na ito nga ang kinailangan upang mapabalik ang anak na lalaki sa pananampalataya ng kanyang ama.
Kaya lang, mas mahirap isipin kung sa sarili nating mga anak. Gaano kadalas natin hinihingi sa Diyos na bigyan ng mas ibayong pananampalataya ang ating mga anak, ngunit sa paraang komportable at madali? Naghihintay tayo ng isang kahali-halina at kalugod-lugod na kaibigan na magyayaya sa kanila sa pag-aaral ng Biblia, kahit na ang kailangan nila ay isang "taggutom" na magpapakita sa kanila na ang Diyos ang kanilang pinakamabuti at pinakatunay na kaibigan. Kung talagang nagtitiwala tayo sa Diyos, kailangang maging handa tayo na isakatuparan Niya ang Kanyang plano sa pamamaraan na naaangkop sa Kanyang mga layunin, kahit na kailangan pa nito ng isang "taggutom."
Paminsan kinakailangan ng mabibigat na pagsubok upang mapabalik ang mga naglalaboy na anak sa Diyos.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Parenting by Design Daily Devotional](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F128%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com