Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa
KASAPATAN AT KALABISAN
Ginamit ni Pablo na halimbawa ang manna upang maipahatid ang punto na ang Diyos ay magbibigay ng sapat sa pangangailangan ng bawat tao, at hindi labis dito. Walang sinuman noong panahon ni Moises ang makapagtatabi ng labis na manna dahil ito ay masisira, uuurin, at magpapakita ng kakulangan ng pagtitiwala sa Diyos. Tulad ng manna, ang pagpapala ng Diyos ay hindi maaaring itabi para sa kinabukasan. Mababawasan nito ang ating pagdepende sa Diyos para sa ating "pagkain sa araw-araw."
At tulad nito, kapag tayo ay nagtatabi ng mga materyal na ari-arian habang ipinagsasawalang-bahala ang kapwang may kakaunti o halos wala, nilalabag natin ang tawag ng Diyos sa atin na gamitin ang kinakailangan at ibahagi ang labis. Pinagpapala tayo ng Diyos ng alam Niyang kailangan natin at inuutusan na gamitin ang "labis" upang matustusan ang mga pangangailangan ng mga kapwang kinukulang.
Ang paghawak natin ng pera ay panukat ng ating mga pagpapahalaga. Ang bukas-palad na pagbibigay ay magpapakita sa ating mga anak na tinuturing natin na sa Diyos at hindi sa atin ang ating mga kayamanan.
Maging modelo ng pagiging bukas-palad, mapagtitiwala at mapagdepende sa Diyos.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com