Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa
![Parenting by Design Daily Devotional](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F128%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
NAWALA AT MULING NATAGPUAN
Sa talinhaga ng nawalang anak na lalaki, ibinalik ng ama ang kanyang bunsong anak sa dati nitong posisyon nang may malaking kapinsalaan sa panganay na kapatid. Bakit? Hinati na ng ama sa kanilang dalawang magkapatid ang mga ari-arian niya bago umalis ang bunsong kapatid. Ginastos na ng bunsong kapatid ang kanyang kaparte at ang natitirang ari-arian ng pamilya ay sa panganay na. Upang maibalik ng ama ang bunsong kapatid sa dati nitong posisyon kailangan kuhanan ang kaparte ng panganay kaya't nagalit ito. Pinapakita ng kanyang saloobin na naglingkod siya sa kanyang ama upang makatanggap ng gantimpala mula rito at hindi dahil mahal niya ito.
Bilang mga magulang, madalas ganito rin ang saloobin natin sa ating Ama sa Langit. Naghihinakit tayo kapag nahihirapan sa ating mga anak habang nakikitang tila nadadalian ang mga magulang na hindi mananampalataya. Pakiramdam natin karapat-dapat tayo sa mas dakilang mga pagpapala at pinaaalalahanan natin ang Diyos na tapat tayong nagsimba, nanalangin at nagbasa ng ating Biblia. Salungat sa maaari nating isipin, ang pagiging masunurin ang posibleng pinakamalaking hadlang sa pagdanas ng kagandahang-loob dahil pakiramdam natin karapat-dapat tayo nito dahil pinagtrabahuan natin.
Ngunit mayroong tunay na panganay. Hindi tulad ng panganay sa talinhaga, hinahanap Niya tayo at hangad ang relasyon sa atin. Bumaba Siya mula sa langit na handang bayaran ang pinsala upang makauwi tayo sa bahay. Ang kilalanin ang handang gawin ni Jesus upang "hanapin" tayo ang buong pagkakaiba.
Sundin ang Diyos bilang tugon sa Kanyang mga pagpapala, hindi upang makamit ang mga ito.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Parenting by Design Daily Devotional](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F128%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com