Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 278 NG 280

PANINIWALA BAGO GAWA

Hindi madaling unawain ang bersikulong ito, ngunit puno ng katuruan tungkol sa pagiging una ng pagbabago sa puso kaysa pagbabago sa gawa. Sinasabi sa atin ni Juan na kinakailangan muna ng paniniwala bago magkakaroon ng pagbabago sa gawa. Kapag tayo ay "tinanggap ng Diyos bilang anak Niya" ang Espiritu Santo ay naninirahan sa atin at nagbibigay-kapangyarihan sa atin na mamuhay nang malaya mula sa paulit-ulit na kasalanan. Hindi sinasabing hindi na tayo magkakasala kahit kailan, kundi hindi na tayo mananatili sa pamumuhay na lulong sa pangmatagalan at hayagang pagkakasala.

Ito ay pumapatungkol din sa ating relasyon sa ating mga anak. Marapat na mas bigyang-halaga ang pagbabago ng kanilang mga puso, kaysa lang sa pagbabago ng kanilang mga gawa. Kapag tinanong ng anak ninyo kung bakit may patakaran kayo sa inyong pamilya na wala sa ibang pamilya, kailangang handa kayong ipaliwanag ito sa paraang nagpapakita na ang inyong puso para sa Diyos ang pumapatnubay sa inyong gawa. Madaling sabihin ang, "Dahil sabi ko!" ngunit hindi ito mangungusap sa puso ng anak ninyo, nagtatakda lang ito ng isang gawa.

Ang pagbabago sa puso ang maghahatid ng pagbabago sa gawa.

Banal na Kasulatan

Araw 277Araw 279

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com