Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa
![Parenting by Design Daily Devotional](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F128%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
PABAYAAN
Hindi ako nagagandahan sa balbas. Kaya nang magpasyang magpatubo nito ang aking anak, panay ang "mungkahi" kong ahitin o tabasin niya ito. Subukan mong isipin kung gaano siya kasaya nang makatanggap ng pantabas ng balbas noong Pasko! Kalaunan, napagtanto ko na nakakaapekto na sa aming relasyon ang mga komento ko.
Kapag kinukulit natin ang ating mga anak na magpapayat, manamit ayon sa ating kagustuhan, o magpagupit na, ang kanilang madalas naririnig ay "Mas katanggap-tanggap at karapat-dapat ka kung ganito o ganyan ang itsura mo." Maaaring tinuturing natin ang ating mga mungkahi na paraan upang maiiwas sila sa pag-ayaw at sakit mula sa iba. Ngunit kabaligtaran nito, ang ating mga komento ay maaaring makasakit at makapagbigay sa kanila ng damdamin na sila ay inaayawan natin.
Ano ang kailangan mong pabayaan ngayon upang mas matanggap ang anak mo? Maaaring timbang, ayos ng buhok o mga pagpipili niya ng moda. Siyasatin nang tapat kung bakit mahalaga ang mga bagay na ito sa iyo. Naisakripisyo mo na ba ang relasyon sa inyong mga anak sa pagsisikap na maigaya sila sa iyong estilo?
Hingin ang karunungan at kalakasan na mahalin ang inyong mga anak nang kung ano sila.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Parenting by Design Daily Devotional](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F128%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com