Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa
![Parenting by Design Daily Devotional](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F128%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
MGA ARAL MULA SA MGA MAY AWTORIDAD
Sa paglaki ng ating mga anak, mararanasan nilang makasalungat ang iba't ibang awtoridad sa buhay nila. Maaaring ito ay isang guro na pinag-initan sila. Posibleng isang coach sa isports na kumikiling sa mga manlalarong hindi naman karapat-dapat. O isang nakakataas sa opisina na labis na mapamintas at mabusisi.
Ano ang magagawa natin upang tulungan ang ating mga anak na mahinog at umunlad sa pagdanas nila ng mga ito? Kadalasan, ang una nating reaksyon ay ayusin ang problema. Bagamat may mga pagkakataon na kailangan nating mamagitan, hindi sila sinasanay ng paraan na ito na kaharaping mag-isa ang mga darating pang hindi pagkakasundo.
Imbis na mag-alok ng mga mungkahi, pamumuna, o payo, makinig habang ikinukuwento ng mga anak ang mga pagkabigo. Ipabatid sa kanilang naririnig mo sila sa pamamagitan ng pagbigkas ng kanilang mga ipinagtapat na kaisipan at damdamin. Pagkatapos himukin silang solusyonan ang problema sa pagtatanong ng, "Ano sa palagay mo ang dapat mong gawin?" Pagtiwalaan ang Diyos na isaayos ang sitwasyon sa pamamagitan ng magkasama ninyong panalangin.
Tuturuan sila ng Diyos ng mahahalagang aral sa buhay sa pamamagitan ng pakikitungo sa mga awtoridad sa kanilang buhay.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Parenting by Design Daily Devotional](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F128%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com