Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

ANG KAPANGYARIHAN NG PANALANGIN Noong mga unang panahon ng Simbahan, kapag nahaharap ang mga Kristyano sa mga pagsubok, dumudulog sila sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin at saka sila binibiyayaan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Wariin sa isipan ang tagpong ito, na ang silid kung saan nananalangin ang mga tao ay "umalog" dahil sa kapangyarihan ng Diyos! Sa bawat panahon, itinuturo ng Bibliya na manalangin tayo at ipinangangako ang kapangyarihan ng Espiritu, ngunit kadalasan ay nakasalalay tayo sa ating sariling kakayahan sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay, kasama na ang pamamatnubay bilang magulang.
Di hamak na mas madali ang isuko sa Diyos ang ating sarili at mga anak, at umasa sa Espiritu na palakasin tayo upang harapin ang ating mga pagsubok sa buhay. Ngunit kailangan nito ng matibay na pananampalataya. Ang kakulangan ng pananampalataya ay magdudulot ng pagsandig sa ating sariling kakayahan, kaysa sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
Maging huwaran ng pananalig sa kapangyarihan ng panalangin at pananampalataya sa Diyos habang ikaw ay humaharap sa mga hamon ng pagiging isang magulang.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com